Kaya Pa Ba Quotes

We've searched our database for all the quotes and captions related to Kaya Pa Ba. Here they are! All 4 of them:

Di ko alam kung paano ie-explain, pero, para sa akin, ang bag ng babae ay simbolo ng kanyang daigdig. The mere fact na nag-decide ang babae na yun ang laman at bigat ng bag niya, 'yun ang personal nyang mundo. Kaya niya dinala yun kasi yun ang kaya nyang dalhin. Anytime, anywhere. Nadadala niya yun from point A to point B. Pero kapag nakakita na ng lalake, dapat lalake na ang magpatuloy ng pagdadala from point B to point C? Kapag umalis ba ang babae mula sa kanyang bahay, aware siya na may lalakeng magbibitbit ng bag niya? I don't think so. Even without the guy, dadalhin pa rin naman ng babae yun kahit saan siya magpunta. Kaya ako, hinahayaan ko lang bitbitin ng babae ang kanyang bag. Gusto kong sabihin sa kanya na with or without me, or each other, tuloy lang ang pagbibitbit ng mundo, ng kani-kaniyang daigdig.
Eros S. Atalia (It's Not That Complicated: Bakit Hindi pa Sasakupin ng mga Alien ang Daigdig sa 2012)
Kaloka! Ito ba ang Pilipinas na gustong iligtas nina Lola Sepa at Emil? Iligtas mula saan? Kung sarili nga ayaw nitong iligtas! Ang gusto lang ng mga ito'y kumain, tumae, mag-Glutathione, saka pumunta sa weekend markets, mag-malling para makalibre ng air-con, mag-text ng corny jokes, sumingit sa pila ng bigas, saka umasa ng suwerte sa lotto o sa TV! Kapag may bagyo o lindol o anumang problema'y laban pero susuko din agad at makakalimot, o kaya ay magma-migrate! Ilang taon na ba ang bansang ito pero bakit hanggang ngayo'y wala pa ring pinagkatandaan?
Ricky Lee (Si Amapola sa 65 na Kabanata)
May choice naman yata ako na hindi umasa sa pagbabalik ni Jen. Na kalimutan na siya nang tuluyan at maghanap na ng iba o mahanap ako ng iba. O pwedeng ako lang at wala na siya sa sistema ko. Dati naman akong okay nung wala pa siya. Dapat okay pa rin ako kahit wala na siya. Pero choice ko yata na pahirapan ang sarili ko. At sa ginagawa kong pagpapahirap sa sarili ko, parang nasisiyahan ako. Masaya yata ako na nahihirapan akong mahalin siya mula sa kawalan. Teka, kung masaya ako kahit nahihirapan ako... hindi kaya mas mahal ko ang sarili ko kesa sa kanya? Kung pinipilit ko siyang magstay para maging masaya ako pero hindi naman siya masaya, hindi rin ako magiging masaya. Kung masaya siya na malaya siya at masaya ako na masaya siya, teka uli... ultimately, ako ang sumasaya sa lahat ng ito? Dapat akong maging masaya! Bakit hindi ako masaya? Masaya ba ako o may sayad na?
Eros S. Atalia (It's Not That Complicated: Bakit Hindi pa Sasakupin ng mga Alien ang Daigdig sa 2012)
Aralin sa Ekonomyang Pampulitika Nang matuklasan ng isang Aleman Ang labis na halaga, Ay nakalkula na rin Ang lahat-lahat na. Halaga ng tao Halaga ng lupa Halaga ng tula Halaga ng digma Kung sa loob pa lamang Ng tatlong minutong trabaho Ay nalilikha na ng manggagawa Ang buong araw niyang suweldo, Ang tantos ng pagsasamantala Ay ilang porsyento? Ay, ang labis na halaga — O pagpapahalaga — Sa superganansya’t supertubo! Binibilang ko ang mga bagay Na mahalaga sa akin: Bubong, saplot, araw-araw na kakanin. Binibilang ko ang araw At ako’y napapailing: Bawat minuto, Kinikita ng mga kumpanya ng langis Ang katumbas ng walong oras kong pawis. Bakit ba napakahalaga Ng paghahangad ng labis, Kung ang labis-labis, Ang katumbas ay krisis? Tinatantya ko kung kailan: 1. mapipigtas sa tanikala ng monopolyo ang pinakamahina nitong kawing 2. aawitin ng kapitalismo ang punebre sa sarili niyang libing. Pansamantala lamang ba ang pagsasamantala? Anu-ano ang mga pagkakataong Dapat nating samantalahin? Natuklasan din ng Aleman Na ang manggagawa ay walang bansa, At kanilang pakikibaka Ay walang baybayin. Kaya’t kinakalkula ko muna, Samantala, kung ano ang mahalaga Para sa araw-araw nating gawain. At kung gaano kahalaga, Mga kasama, ang pagkakaisa sa atin.
Kerima Lorena Tariman