Kaya Ko To Quotes

We've searched our database for all the quotes and captions related to Kaya Ko To. Here they are! All 30 of them:

Mag-date tayo. Hinde ko mapropromise na hinde kita masasaktan pero susubukan kong hinde. Kilala mo naman ako eh.. Hinde ako sweet na tao. Kaya nga binansagan mo akong GANGSTER eh, dahil sa ugali ko. Let’s date again.. Wala ng deal.. Date lang naman eh.
Bianca B. Bernardino (She's Dating the Gangster)
Di ko alam kung paano ie-explain, pero, para sa akin, ang bag ng babae ay simbolo ng kanyang daigdig. The mere fact na nag-decide ang babae na yun ang laman at bigat ng bag niya, 'yun ang personal nyang mundo. Kaya niya dinala yun kasi yun ang kaya nyang dalhin. Anytime, anywhere. Nadadala niya yun from point A to point B. Pero kapag nakakita na ng lalake, dapat lalake na ang magpatuloy ng pagdadala from point B to point C? Kapag umalis ba ang babae mula sa kanyang bahay, aware siya na may lalakeng magbibitbit ng bag niya? I don't think so. Even without the guy, dadalhin pa rin naman ng babae yun kahit saan siya magpunta. Kaya ako, hinahayaan ko lang bitbitin ng babae ang kanyang bag. Gusto kong sabihin sa kanya na with or without me, or each other, tuloy lang ang pagbibitbit ng mundo, ng kani-kaniyang daigdig.
Eros S. Atalia (It's Not That Complicated: Bakit Hindi pa Sasakupin ng mga Alien ang Daigdig sa 2012)
Dati naman akong masaya bago pa dumating si Jen. Mas sumaya nga lang nang dumating siya. Pero bakit nang umalis siya, hindi na ako naging kasinsaya gaya ng dati bago pa siya dumating? Hindi kaya dahil imbes na isama ko si Jen sa daigdig ko, siya ang ginawa kong daigdig? Kung naging masaya ako bago dumating si Jen, pwede rin ako maging masaya kahit wala na siya. Hindi siya ang dahilan ng pag-inog ng mundo ko, hindi rin dapat siya ang dahilan ng pagtigil nito.
Eros S. Atalia (It's Not That Complicated: Bakit Hindi pa Sasakupin ng mga Alien ang Daigdig sa 2012)
Ba’t hindi ikaw? I damn love you, Coreen. Hindi ko kaya. How many times do I have to tell you that? Namulat na lang ako na mahal kita at hindi iyon tulad sa pag ibig mo kay Noah na biglaan na lang naglalaho.
Jonaxx (Heartless)
And we don't ask: Anong produkto kaya ang naibenta sa akin ngayong araw nang hindi ko namalayan? Anong kaisipan? Anong ideya? Anong paniniwala? Anong ugali? Anong bagong pananaw sa mundo at sa mga kapwa ko? Hindi natin ito naitatanong pero andali-dali nating maimpluwensyahan.
Bob Ong (Lumayo Ka Nga Sa Akin)
Sabi ko noon, pag nagkita kami, marami akong itatanong at sasabihin. Pero ngayon, magkasama kami, ito lang ang mahalaga. Saka na halungkatin ang nakaraan. Saka na pagusapan ang hinaharap. Kaya siguro naimbento ang nakaraan para lingunin at kalimutan, ang hinaharap ay para tanawin at pangarapin.
Eros S. Atalia (It's Not That Complicated: Bakit Hindi Pa Sasakupin ng mga Alien ang Daigdig sa 2012)
May choice naman yata ako na hindi umasa sa pagbabalik ni Jen. Na kalimutan na siya nang tuluyan at maghanap na ng iba o mahanap ako ng iba. O pwedeng ako lang at wala na siya sa sistema ko. Dati naman akong okay nung wala pa siya. Dapat okay pa rin ako kahit wala na siya. Pero choice ko yata na pahirapan ang sarili ko. At sa ginagawa kong pagpapahirap sa sarili ko, parang nasisiyahan ako. Masaya yata ako na nahihirapan akong mahalin siya mula sa kawalan. Teka, kung masaya ako kahit nahihirapan ako... hindi kaya mas mahal ko ang sarili ko kesa sa kanya? Kung pinipilit ko siyang magstay para maging masaya ako pero hindi naman siya masaya, hindi rin ako magiging masaya. Kung masaya siya na malaya siya at masaya ako na masaya siya, teka uli... ultimately, ako ang sumasaya sa lahat ng ito? Dapat akong maging masaya! Bakit hindi ako masaya? Masaya ba ako o may sayad na?
Eros S. Atalia (It's Not That Complicated: Bakit Hindi pa Sasakupin ng mga Alien ang Daigdig sa 2012)
Dati naman akong masaya bago pa siya dumating. Mas sumaya nga lang nung dumating siya. Pero bakit nung umalis siya, hindi na ako naging kasinsaya gaya ng dati bago pa siya dumating? Hindi kaya dahil imbes na isama ko siya sa daigdig ko, siya ang ginawa kong daigdig? Kung naging masaya ako bago siya dumating, pwede rin akong maging masaya kahit wala na siya. Hindi siya ang dahilan ng pag-inog ng mundo ko, hindi rin dapat siya ang dahilan ng pagtigil nito.
Eros S. Atalia (It's Not That Complicated: Bakit Hindi Pa Sasakupin ng mga Alien ang Daigdig sa 2012)
Kaya naman sa gabing ito ng makauring pagkakaisa, dadamputin ko ang remote control at papatayin kita!
Dennis Espada
Ang unang kasal namin sa barko ay nagpapatunay na pakakasalan ko siya kahit hindi pa naaayos ang lahat, kahit walang nakakaalam at kahit halos walang bisa. Ang pangalawang kasal namin ay nagpapatunay na kaya ko rin siyang pakasalan, hadlang man ang lahat at sa gitna ng mapanuring mga mata. Ang pangatlong kasal namin ngayon ay nagpapatunay na kaya ko rin siyang pakasalan ulit habang pinapakawalan ang lahat ng sakit ng nakaraan.
Jonaxx (Waves of Memories (Costa Leona Series #2))
Your power is beyond control, Breniella. You are by far the strongest creature I’ve ever met. Kaya mo akong pasunurin sa isang kumpas lang ng mga kamay mo. Kaya mo ring paikutin ang buong mundo ko nang hindi mo namamalayan.
Spring Mendez (Vampire's Vows Series 2: Clement And Breniella (With Every Beat Of My Heart))
Kaya makapal ang mukha ko at matigas ang bituka,e. Hindi kilala ang pagsuko dahil hangga't wala akong inaapakang tao, inilalaban ko ang magpapasaya sa puso ko- kahit mabasted nang ilang libong beses, 500 doon ay sa text pa; kahit hindi matanggap sa audition para sa role ni Pilosopo Tasyo sa El Fili; kahit madalas palakol sa exam; kahit hindi ako laging nakakapasa sa kung ano ang tingin ng iba na disente at tama, go pa rin. Sabi nga ng paborito kong mga philosophers, "Laban, laban!" [Sexbomb Girls]. Bawal bumawi kung ang gusto mo lang naman mapalanunan ay ligaya at pagmamahal.
Rod Marmol (Lahat Tayo May Period (At Iba Pang Punctuation Marks))
Aralin sa Ekonomyang Pampulitika Nang matuklasan ng isang Aleman Ang labis na halaga, Ay nakalkula na rin Ang lahat-lahat na. Halaga ng tao Halaga ng lupa Halaga ng tula Halaga ng digma Kung sa loob pa lamang Ng tatlong minutong trabaho Ay nalilikha na ng manggagawa Ang buong araw niyang suweldo, Ang tantos ng pagsasamantala Ay ilang porsyento? Ay, ang labis na halaga — O pagpapahalaga — Sa superganansya’t supertubo! Binibilang ko ang mga bagay Na mahalaga sa akin: Bubong, saplot, araw-araw na kakanin. Binibilang ko ang araw At ako’y napapailing: Bawat minuto, Kinikita ng mga kumpanya ng langis Ang katumbas ng walong oras kong pawis. Bakit ba napakahalaga Ng paghahangad ng labis, Kung ang labis-labis, Ang katumbas ay krisis? Tinatantya ko kung kailan: 1. mapipigtas sa tanikala ng monopolyo ang pinakamahina nitong kawing 2. aawitin ng kapitalismo ang punebre sa sarili niyang libing. Pansamantala lamang ba ang pagsasamantala? Anu-ano ang mga pagkakataong Dapat nating samantalahin? Natuklasan din ng Aleman Na ang manggagawa ay walang bansa, At kanilang pakikibaka Ay walang baybayin. Kaya’t kinakalkula ko muna, Samantala, kung ano ang mahalaga Para sa araw-araw nating gawain. At kung gaano kahalaga, Mga kasama, ang pagkakaisa sa atin.
Kerima Lorena Tariman
Nakita ko. kahit liwanag ay nadarapa, Nakita ko. may mga ilaw at apoy din na lumuluha! Kaya, saan ako kakapit, Kung, kahit ang liwanag ay nakakasunog ang init?! ***from her poem 'GASERA
Sycamore Wild
hindi ako nagalit nung time na nag decide si ji na iend na yung kung ano ang meron saamin, kumbaga i am just upset kaya hindi ko agad matanggap sa una na friends na lang kami but, in the end i agreed sa closure na sinabi ni ji saakin kasi i know i did them wrong and treated them like shit.
Pablo
Maraming masamang epekto ang pandemya sa relasyon ng mga tao dahil sa pinairal na social distancing. Kasama na rito ang relasyon ng mga mag-asawa. Sa kaso namin, nabawasan ang aming privacy dahil bente kuwatro oras na nariyan ang mga bata. Dahil sa pagbibisikleta, napananatili pa rin namin ang intimacy - sa kalsada. Napapag-usapan namin ang mga bagay tungkol sa aming mga anak habang kami'y pumapadyak o habang nakahinto kami sa isang tabi para magpahinga. Na-improve rin ang koordinasyon naming mag-asawa; sa tinginan pa lang at hand signal, nagkakaintindihan na. Kung ang iba'y nagbibisikleta pa para makapasok, kami'y nagbibisikleta para makalabas. Kilo-kilometro ang aking nabisikleta. Sa panahon ng kalamidad, may natuklasan akong natatagong lakas. Natitiyak kong kaya ko nang mag-isandaan sa mga susunod na buwan.
Jenny Ortuoste (In Certain Seasons: Mothers Write in the Time of COVID)
ang iyong halaga ay labis- labis na masusukat sa mga hindi ko sukat akalaing kaya kong gawin kahit ayaw ko.
Lean Borlongan (Sansaglit)
Noong 2016, nag-uumpisa pa lang ang Build, Build, Build. Marami ang may duda na kaya itong isakatuparan. Tinitigan ako ng isang kaibigan sa mata at sinabing, “Isa na naman itong pangako sa kampanya na sadyang hindi tutuparin.” Inihalintulad kami sa masugid na manliligaw na handang ipangako ang lahat. Hindi ko sila masisi. Noong panahong iyon, ₱3.5 bilyon ang nawawala sa atin kada araw dahil sa trapik sa Metro Manila. Nalampasan na ng EDSA ang maximum capacity nito. Ang mga proyekto ng gobyerno ay naantala ng maraming taon o dekada. Bagama’t pamilyar tayo sa katotohanang ito, hindi kami handang tanggapin na lamang ito. Malayo pa ang Pilipinas sa buong potensiyal nito. Ito na ang pagkakataon upang matupad ang isang pangarap na hubugin ang kasaysayan at ihatid tayo sa “Golden Age of Infrastructure.” - Night Owl: Edisyong Filipino (p. 112, Ang Solusyon sa 3.5 Bilyong Pisong Pasanin)
Anna Mae Yu Lamentillo
Ang pag-ibig ay tila isa ring pananakop at ang mangingibig, isang dakilang mananakop; nais mo ng kasagutan at katubusan sa sarili mong pag-iisa, sa sarili mong kahinaan, sa mga katanungang hindi matapus-tapos ni matukoy sa simula. Ang trahedya ng pag-ibig ay kung sakaling makamtan mo na ang iniibig, hindi mo na alam kung ano ang gagawin mo sa kanya na nasa iyong mga kamay, at ayaw mo naman siyang pakawalan dahil hindi mo na makita ang pagkakaiba ng lumaya at umibig. Inaakala mo na kasi na ikaw at siya ay iisa, tinanggap mo na nang walang pagdududa na siya na ang iyong kahinaan o pinagmumulan ng lakas at ikaw ang kanyang kahinaan at pinagmumulan din ng lakas. At inaakala mo na ang nakaraan at bukas niya ay hawak mo sa iyong mga palad—at ganoon din siya sa iyo. Na ikaw, ikaw palagi ang nasa kanyang nakaraan. Na ang umibig ay ang tanging dakila at banal sa buhay. Malupit na pananakop ang umibig kaya ko ito kinatatakutan.
Rogelio Braga (Colon)
At inaakala mo na ang nakaraan at bukas niya ay hawak mo sa iyong mga palad—at ganoon din siya sa iyo. Na ikaw, ikaw palagi ang nasa kanyang nakaraan. Na ang umibig ay ang tanging dakila at banal sa buhay. Malupit na pananakop ang umibig kaya ko ito kinatatakutan.
Rogelio Braga (Colon)
At inaakala mo na ang nakaraan at bukas niya ay hawak mo sa iyong mga palad—at ganoon din siya sa iyo. Na ikaw, ikaw palagi ang nasa kanyang nakaraan. Na ang umibig ay ang tanging dakila at banal sa buhay. Malupit na pananakop ang umibig kaya ko ito kinatatakutan.
Rogelio Braga (Colon)
Mahal kita. Sabi mo mahal mo din ako. Kaya heto ako umaasang magiging tayo. Pero nung dumating sha, nagbago ka na. Ang sabi mo pa nga sha na ang mahal mo. Tanong ko lang sayo, paano na ako? · Pumayag akong mawala ka dahil doon ka masaya. Pumayag akong masaktan dahil alam kong doon ka masaya. Pumayag akong umiyak dahil doon ka masaya. Napilitan akong pumayag kasi alam kong sa iba ka sasaya.
LuckyGirl12
Sumulat ako ng plano sa eroplanong papel. Pinalipad ko ito, pero bumagsak lang sa sahig. Pinulot ko ulit, pinalipad sa himpapawid. Alam kong babagsak lang sya sa sahig. Kaya hindi na masakit. Duon ko naisip na kahit ilang beses man syang bumagsak sa sahig. Nakalipad sya,kahit na sandali. Nag bigay ng kasiyahan sa aking mga mata. Sinabayan ng kaunting ngiti, sa aking labi. Napagod ako at nilukot ang eroplanong papel. Subalit ang plano ay nakalagay na sa pag-iisip. Ang tanging masasabi ko lang salamat Paginoon. Dahil binigyan ninyo kami ng papel sa napakagandang mundong ito. -Aron Micko
Aron Micko H.B
May isáng matandáng salitáng hindî na gamit at maanong kilalâ man lamang ngayón, nguni’t nakapagpapáhayag din ng pagpapasalamat na may diwang wari’y pakutyâ o paaglahì. Ang tinurang salitâ ay nangháw, na ang halimbawang n asatalatinigan ay: Nangháw, at namatáy ang kaaway ko (salamat o mabuti at namatay . . .) Sa kahulugáng pasaliwâ ng salamat, álalaóng bagá’y di-marunong magpasalamat o tumanáw ng utang na loób, ang karaniwang ginagamit ay mga pariralang waláng turing, waláng utang na loób, o kaya’y ang mga salitáng lanuwáng, busóng; nguni’t ang mga parirala’t salitáng itó’y malamáng na mga pang-urì kaysá pang-abay.
Lope K. Santos (Balarila ng Wikang Pambansa)
Naaalala ko rin na kapag di ko nakikita ang tatay mo, para akong pumupusag-pusag na isda. Hindi ako makahinga, siya ang aking dagat. At ang pagtatangi ko sa kanya ay kasinlawak din ng karagatan. Alam konhg siya na dahil kung ako ay magnanakaw ng kambing, siya ang aking pipiliing makasama. Isipin mong mabuti. Magnanakaw ng kambing. Sino ang baliw na sasamahan ako kahit sa gawaing-kawatan na ito? Ang tatay mo. At naimadyin ko na bawat hakbang ay puno ng katatawanan, hanggang mahuli na lang kami ng pulis o di kaya ay umuwing bigo. Pero OK lang, kasi kasama ko ang iyong tatay.
Jenny Ortuoste (In Certain Seasons: Mothers Write in the Time of COVID)
Naaalala ko rin na kapag di ko nakikita ang tatay mo, para akong pumupusag-pusag na isda. Hindi ako makahinga, siya ang aking dagat. At ang pagtatangi ko sa kanya ay kasinlawak din ng karagatan. Alam kong siya na dahil kung ako ay magnanakaw ng kambing, siya ang aking pipiliing makasama. Isipin mong mabuti. Magnanakaw ng kambing. Sino ang baliw na sasamahan ako kahit sa gawaing-kawatan na ito? Ang tatay mo. At naimadyin ko na bawat hakbang ay puno ng katatawanan, hanggang mahuli na lang kami ng pulis o di kaya ay umuwing bigo. Pero OK lang, kasi kasama ko ang iyong tatay.
Jenny Ortuoste (In Certain Seasons: Mothers Write in the Time of COVID)
GANUN TALAGA" DI KITA NIYAKAP, AKALA KO’Y MAGIGING OKAY KA DI KITA KINAUSAP, AKALA KO’Y LALABAN KA LUHA KO’Y UMAGOS, SAPAGKAT SABI NILA’Y WALA KANA NANDILIM MGA MATA KO HABANG HABOL-HABOL ANG PAGHINGA. SINISI KO ANG LANGIT, BAKIT NGAUN PA, BAKIT SYA PA, BAKIT? BAKIT SA AMIN, SA AKI’Y NINAKAW KA’T PINAGKAIT? DUMALOY ANG MGA LUHA SABAY SA AKING PAGPIKIT DIBDIB KO’Y GUSTONG SUMABOG, KUMAWALA SA GALIT. NAISIP KONG IKAW AY SUNDAN NGUNIT PINIGIL AKO NG KARAMIHAN ORAS MONA DAW KAYA HAYAAN OO NA, PERO BAKIT KA’Y BILIS NAMAN? PAGKAWALA MO AMA MALALIM ANG DULOT IKINULONG AT IPINIIT AKO NITO NG LUNGKOT UMUSBONG AT NADAMA KO PATI ANG TAKOT SAKIT NA NARARANASAN, MERON PABANG GAMOT? SUSUKO NA SANA, NGUNIT BUMALIK SA BALINTATAW KO ANG IYONG TAWA AT MGA NGITI TINUYO NG PAGMAMAHAL ANG LUHA SA AKING MGA MATANG MULI HABILIN MO’Y NAGING DAAN UPANG BUMANGON SA PIGHATI MULI, LUMIWANAG AT NAGKAKULAY ITONG AKING LABI.
Venancio Mary Ann
Galit siya, madiin ang pagkakasara ng kanyang panga, pero pinipigil n'ya iyon. Alam ko naman ang dahilan. Lalaki siya. Ang lalaki hindi umiiyak. Kaya pinili na lang niya'ng manahimik.
Alex Rosas (Gay's Anatomy)
Kaya naming mamuhay nang walang mga diyos, Maklium-sa-Tiwan," bulong ko sa kanya. "Maiksi man ang buhay ng tao, `yan ang lakas namin na wala sa mga diwatang tulad ninyo.
Alex Rosas (Watching People's Feet III)
Paliparin mo ang mga bandilang ito sa iyong isipan: o Kahinahunan (“Mananatili akong mahinahon.”) o Pagpapasadiyos (“Tatanggapin ko nang maayos ang kabiguang ito.”) o Katapangan (“Kaya ko ito, kahit higit pa dito ay kaya ko.”) o Determinasyon (“Gagawin kong tagumpay ang kabiguang ito.”) o Saya (“Kita mo, umaangat na ako.”) o Kabutihan (“Nananatili ang pakikipagkapwa-tao ko sa lahat.”)
Gerardo V. Cabochan