“
Naaalala ko rin na kapag di ko nakikita ang tatay mo, para akong pumupusag-pusag na isda. Hindi ako makahinga, siya ang aking dagat. At ang pagtatangi ko sa kanya ay kasinlawak din ng karagatan.
Alam konhg siya na dahil kung ako ay magnanakaw ng kambing, siya ang aking pipiliing makasama.
Isipin mong mabuti. Magnanakaw ng kambing. Sino ang baliw na sasamahan ako kahit sa gawaing-kawatan na ito? Ang tatay mo. At naimadyin ko na bawat hakbang ay puno ng katatawanan, hanggang mahuli na lang kami ng pulis o di kaya ay umuwing bigo. Pero OK lang, kasi kasama ko ang iyong tatay.
”
”