Kaibigan Quotes

We've searched our database for all the quotes and captions related to Kaibigan. Here they are! All 11 of them:

β€œ
Walang tigil ang mga tao sa paggamit ng enerhiya. Lahat ng maaaring pagkagastusan ng kuryente, gagawin nila. Nabubuhay sila sa sistema ng pag-aani ng kayamanan ng mundo upang gawing lason at basura.
”
”
Bob Ong (Ang mga Kaibigan ni Mama Susan)
β€œ
Klik! Anak ko 'yon! Hahahaha! Mga kaibigan, si Maya ko 'yon! Klik! Narinig n'yo ba? Anak ko 'yon! Klik! Klik! Anak ko sa labas. 'Yong batang konti ko nang tinunaw no'ng araw. Kundi ko lang naisip na lahat ng bata'y kailangang bigyan ng pagkakataong maging tao.
”
”
Lualhati Bautista (Bata, Bata... Pa'no Ka Ginawa?)
β€œ
Nakapagtatakang nagtataka pa ang nanay at tatay ko kung bakit di ako mapirmi-pirmi sa bahay ng sino man sa kanila. Bakit nga raw ba ako palipat-lipat ng trabaho? Bakit pabago-bago ng karelasyon? At paiba-iba ng mga kaibigan? Gusto ko sanang ipaliwanag sa kanila na kapag matagal-tagal ka ring naging bola sa pingpong, di mo maiiwasang makasanayan ang pagpapadito at doon, dito, doon at ang pagpapadoon, dito, doon, dito. At sandaan pang pagpapadito-dito at pagpapadoon-doon. Sa sandali namang matapos ang laro o kahit sa pagkakataong datnan lamang ng pagod ang mga manlalaro, hahayaan ka nilang gumulong-gulong sa kung saan-saang sulok, kahit pa nga iyong namumutiktik sa alikabok. Hihingal-hingal ka ngayong maghihintay sa kung sino man sa kanila ang may awa o panahon para yumukod at pumulot.
”
”
Bebang Siy (It's a Mens World)
β€œ
Hindi mo ba alam na mas marami tayong kaibigan na hindi nakikita kumpara sa nakikita?
”
”
Bob Ong (Ang mga Kaibigan ni Mama Susan)
β€œ
Marami akong natutunan, na lahat ng bagay kapag ipinaglalaban ay matutupad. Sabi nga ng isa sa aking kaibigan, kahit na 'yung nagmamahal nang hindi binabalikan eh may makukuha rin. Dahil kahit papaano ay nami-miss ka rin nila at nasa kanilang isipan. Dahil kung hindi ka nila nami-miss, eh 'di sana ay kasama mo siya ngayon.
”
”
Karl Marx S.T. (May Amnesia Si Girl)
β€œ
Noong 2016, nag-uumpisa pa lang ang Build, Build, Build. Marami ang may duda na kaya itong isakatuparan. Tinitigan ako ng isang kaibigan sa mata at sinabing, β€œIsa na naman itong pangako sa kampanya na sadyang hindi tutuparin.” Inihalintulad kami sa masugid na manliligaw na handang ipangako ang lahat. Hindi ko sila masisi. Noong panahong iyon, β‚±3.5 bilyon ang nawawala sa atin kada araw dahil sa trapik sa Metro Manila. Nalampasan na ng EDSA ang maximum capacity nito. Ang mga proyekto ng gobyerno ay naantala ng maraming taon o dekada. Bagama’t pamilyar tayo sa katotohanang ito, hindi kami handang tanggapin na lamang ito. Malayo pa ang Pilipinas sa buong potensiyal nito. Ito na ang pagkakataon upang matupad ang isang pangarap na hubugin ang kasaysayan at ihatid tayo sa β€œGolden Age of Infrastructure.” - Night Owl: Edisyong Filipino (p. 112, Ang Solusyon sa 3.5 Bilyong Pisong Pasanin)
”
”
Anna Mae Yu Lamentillo
β€œ
Kaibigan/Kasintahan: Ito ba'y dalawang salitang magkasingkahulugan, o dalawang kahulugang iisa ang sagisag sa isipan? (Kaibigan/Kasintahan, 1992)
”
”
Ruth Elynia S. Mabanglo (Kung Di Man: Mga Tula ng Pag-ibig (1970-1992))
β€œ
Magandang isipin ang kasiyahan… pero minsan mas magandang isipin ang kalungkutan, dahil doon mo makikita ang mga dumamay sa iyo at ang mga tunay mong kaibigan na nagmamahal sa iyo.
”
”
monz
β€œ
Sanay akong nagbibigay sa iba--- ng aking oras, talento, payo, o tulong. Masaya akong gawin lahat ito. Ngunit masaya rin palang tumanggap --- at di lang basta tumanggap kundi maging 'mapagbigay na tagatanggap' o generous receiver. 'Yong ninanamnam mo ang kagandahang loob ng ibang tao, ang pagtulong nila sa iyo, at pag-aalaga. At ipinaalam mo sa kanila ang iyong kagalakan at pagpapasalamat. Hindi kailangang matatag sa lahat ng oras --- mainam ding maging mahina at umasa sa iba --- doon mo mas maahahalagahan ang pagiging ina, asawa, kaibigan, guro, at pati pagiging Filipino. At sa panahon ng iyong kahinaan, doon mo tunay na malalaman ang mga bagay na totoong mahalaga sa buhay (pamilya, pagmamahal, pakikipagkapuwa, kalusugan ng katawan at isip, pananalig sa Diyos, pag-ibig sa bayan, pagpapahalaga sa Inang Kalikasan) at ang mga taong tunay na nagmamahal at nagpapahalaga sa iyo. Ang pagiging ina sa panahaon ng pandemya ay pagiging malakas sa aking kahinaan, pagiging mapagbigay sa aking pagtanggap.
”
”
Jenny Ortuoste (In Certain Seasons: Mothers Write in the Time of COVID)
β€œ
Hangal ang tao dahil sa pag-iisip na siya ang hari ng santinakpan, sa pag-aakalang magagawa niyang makibagay sa kaniya ang sanlibutan sa halip na siya ang makibagay dito.
”
”
Bob Ong (Ang mga Kaibigan ni Mama Susan)
β€œ
Ang sarap sa pakiramdam na maaalala ng mga kaibigan mo ang nakalimutan mong kaarawan pero mas masarap pala sa pakiramdam na babatiin ka ng isang taong hindi mo inakalang babati sayo
”
”
KnigtinBlack