Jun Cruz Reyes Quotes

We've searched our database for all the quotes and captions related to Jun Cruz Reyes. Here they are! All 11 of them:

β€œ
Mas madaling mamatay kaysa mabuhay, tumataas ang halaga ng pagkain habang bumababa naman ang halaga ng buhay.
”
”
Jun Cruz Reyes
β€œ
Saan ba ako pwedeng magpasya? Ang kaluluwa ko, kargo ng pari. Marka ko sa eskwelahan, nakasalalay sa dulo ng pulang ballpen ng titser ko. Yung gusto kong kurso, nakatali sa dulo ng bulsa ng tatay ko. Yung kalayaan ko, kahit bahagya ko palang nagagamit ay pinutol na nila. Sila na rin ang nagbigay ng bagong kahulugan nun, kahit hindi kami kinonsulta.
”
”
Jun Cruz Reyes
β€œ
Ang maging tagagawa ng katahimikan para sa kapakanan ng iilan ay katumbas na rin ng pagtataksil sa sariling bayan.
”
”
Jun Cruz Reyes (Ilang talang luma buhat sa talaarawan ng isang may nunal sa talampakan)
β€œ
Maraming kinagawiang kailangang rebisahin.
”
”
Jun Cruz Reyes (Ilang talang luma buhat sa talaarawan ng isang may nunal sa talampakan)
β€œ
[P]aano sasabihing nasa lupa at sariling paa ang pag-asa kung ang kapalara’y sa himala ng langit iaasa.
”
”
Jun Cruz Reyes (Ilang talang luma buhat sa talaarawan ng isang may nunal sa talampakan)
β€œ
[A]ng mga gustong mapunta sa langit, ang siyang ayaw mamatay. Naniniwala sila sa multo, na kapag namatay sila ay magiging multo rin sila, pero natatakot sila sa multo, . . . Naniniwala rin silang mas madali sa isang kamelyo na makaraan sa butas ng karayom, kaysa mapunta sa langit, pero naniniwala sila na ang lahat ng mga mahal nila sa buhay, kasama na ang buong angkan, pwera lamang ang mga kagalit na kamag-anak at kapitbahay ay mapupuntang lahat sa langit.
”
”
Jun Cruz Reyes (Ilang talang luma buhat sa talaarawan ng isang may nunal sa talampakan)
β€œ
Masasabi na ba nating marunong tayong umibig sa kapwa, kung ang ilan ay pinapayagan nating pumatay ng kapwa?
”
”
Jun Cruz Reyes (Ilang talang luma buhat sa talaarawan ng isang may nunal sa talampakan)
β€œ
Maliban sa kunsensya, wala na bang ibang dapat makarinig ng katotohanan?
”
”
Jun Cruz Reyes (Ilang talang luma buhat sa talaarawan ng isang may nunal sa talampakan)
β€œ
Iba ang katotohanang itinuro sa eskwelahan, kaysa katotohanang nangyayari sa kapaligiran.
”
”
Jun Cruz Reyes (Ilang talang luma buhat sa talaarawan ng isang may nunal sa talampakan)
β€œ
Maraming pamamaraan ng paglaban. Ang pag-atras ay isang akto rin ng pagkukonserba ng lakas.
”
”
Jun Cruz Reyes (Ilang talang luma buhat sa talaarawan ng isang may nunal sa talampakan)
β€œ
Ang korona ang naghahanap ng ulong magsusuot, at hindi ang ulo ang maghahanap ng korona ng karangalan.
”
”
Jun Cruz Reyes (Ilang talang luma buhat sa talaarawan ng isang may nunal sa talampakan)