Isa Lang Quotes

We've searched our database for all the quotes and captions related to Isa Lang. Here they are! All 24 of them:

Hikayatin mo lahat ng kakilala mo na magkaroon ng kahit isa man lang paboritong libro sa buhay nila. Dahil wala nang mas kawawa pa sa mga taong literado pero hindi nagbabasa.
Bob Ong
Kung matatakot kang harapin ang totoo at sabihin ang talagang nararamdaman mo dahil baka masaktan ka, isa lang ibig sabihin noon: ipinagkait mo na sa sarili mo ang pagiging masaya at kinarir mo ang magpakatanga.
Bob Ong
Me quota ang pag-ibig. Sa bawat limang umiibig, isa lang ang magiging maligaya. Ang iba, iibig sa di sila iniibig. Iibig nang di natututo. O iibig sa wala. O di iibig kailanman.
Ricky Lee (Para Kay B (o kung paano dinevastate ng pag-ibig ang 4 out of 5 sa atin))
Hikayatin mo lahat ng mga kakilala mo na magkaroon ng kahit isa man lang paboritong libro sa buong buhay nila. Dahil wala nang mas nakakaawa pa sa mga taong literado pero hindi nagbabasa...bilang tao, may karne sa loob ng bungo mo na nangangailangan ng sustansya.
Bob Ong (Stainless Longganisa)
Kung sana nga, naging ingrown na lang ng kuko ang pagmamahal na ito at kahit isa-isahin ko ang manikurista sa buong Pinas, matanggal lang ang lintek na pag-ibig na ito.
Eros Atalia Ligo na U Lapit na Me
...pwede nga ring yung TV ang may sumpa. dahil ang TV, para ring drugs, pero ligal. isipin mo, bakit isa ito sa mga unang-unang ipinupundar ng mga Pilipino kahit gaano sila kahirap? kasi malaking tulong ang telebisyon para lumimot. para tumakas sa realidad. kahit mag-isa ka lang sa bahay, nababawasan ang lungkot kung may TV. nakakatanggal-buryong kung wala kang trabaho. mas entertaining kesa sa diyaryo, at mas accessible kesa sa sine. pwede rin itong tagapag-alaga ng mga anak mo. pwedeng ulam kung sakto lang ang budget pambili ng ng bigas. at pwedeng bintana kung parang bartolina lang ang tirahang tinutulugan ng mag-anak mo, dahil may magaganda itong lugar at magagandang tao. kumpleto sa sayawan, kantahan, tawanan, pantasya, at boksing. burado ang mga suliranin mo. pag sinuswerte ka, pwede ka pang manalo.
Bob Ong (Lumayo Ka Nga Sa Akin)
Ang mga sagot ngayo'y baon-baon mo na sa kung saan ka man papunta. Sa paglisan mo ngayon, hindi ka na talaga babalik. Babalik ka man sa aking isip, nakaapak pa rin ako sa lupa kung saan bawat buhos ng ulan ay magsisimula akong mangarap muli. Ako na lang, mag-isa.
Don Vittorio C. Villasin
Mag-sorry kung ikaw ang may kasalanan. Kung hindi naman, ikaw ang unang mag-reach out. I-tae sa kubeta ang lecheng pride. Kung simpleng away lang naman, kabobohan ang patagalin o palalain pa ito. Tandaan, walang perpektong relasyon. Pero ang "pagbabati" mula sa isang away, ang isa sa pinakamatamis na bahagi nito.
Jayson G. Benedicto
She walks the earth freely, yet her feet never touch the ground. Many hands will reach for her, but she cannot be anchored. She belongs to no one, to nothing, to nowhere. When you meet her, you will recognize her for what she is--a free spirit, a wandering star. She will fit in your arms like she was made to be there. And she will show you what it means to hold something you can never hold on to.
Lang Leav (The Universe of Us (Volume 4) (Lang Leav))
Pero parang hanggang doon na lang, parang isang madamdaming nobela na nawawala ang esensiya isa o dalawang taon matapos mo itong mabasa. (p. 299)
RM Topacio-Aplaon (Lila Ang Kulay ng Pamamaalam (Imus Novel 3))
Ich dachte daran, dass es jetzt nicht mehr lange dauern würde, bis ich Tschick in seinem Heim besuchen konnte, und ich dachte an Isas Brief. Auch an Horst Fricke und sein Carpe diem musste ich denken. Ich dachte an das Gewitter über dem Weizenfeld, an Pflegeschwester Hanna und den Geruch von grauem Linoleum. Ich dachte, dass ich das alles ohne Tschick nie erlebt hätte in diesem Sommer und dass es ein toller Sommer gewesen war, der beste Sommer von allen, und an all das dachte ich, während wir da die Luft anhielten und durch das silberne Schillern und die Blasen hindurch nach oben guckten, wo sich zwei Uniformen ratlos über die Wasseroberfläche beugten und in einer stummen, fernen Sprache miteinander redeten, in einer anderen Welt - und ich freute mich wahnsinnig. Weil, man kann zwar nicht ewig Luft anhalten. Aber doch ziemlich lange.
Wolfgang Herrndorf (Tschick)
pwede nga ring yung TV ang may sumpa. dahil ang TV, para ring drugs, pero ligal. isipin mo, bakit isa ito sa mga unang-unang ipinupundar ng mga Pilipino kahit gaano sila kahirap? kasi malaking tulong ang telebisyon para lumimot. para tumakas sa realidad. kahit mag-isa ka lang sa bahay, nababawasan ang lungkot kung may TV. nakakatanggal-buryong kung wala kang trabaho. mas entertaining kesa sa diyaryo, at mas accessible kesa sa sine. pwede rin itong tagapag-alaga ng mga anak mo. pwedeng ulam kung sakto lang ang budget pambili ng ng bigas. at pwedeng bintana kung parang bartolina lang ang tirahang tinutulugan ng mag-anak mo, dahil may magaganda itong lugar at magagandang tao. kumpleto sa sayawan, kantahan, tawanan, pantasya, at boksing. burado ang mga suliranin mo. pag sinuswerte ka, pwede ka pang manalo.
Bob Ong
Me quota ang pag-ibig. Sa bawat limang umiibig, isa lang ang magiging maligaya. Ang iba, iibig sa di sila iniibig. O iibig nang di natututo. O iibig na wala. O di iibig kailanman. Ang iba'y iibig sa maling panahon, umibig na noong 1980s, nakipagmartsa sa mga aktibista, pero ang taong nakatakda para sa kanya ay nabuhay noon pang 1930s, isang rebelde laban sa mga amerikano, matagal nang namatay. Kaya she keeps falling in love sa mga lalaking mas matatanda hinahanap sa kanila ang di mahanap na wala, hindi mapagtagpo ang kahapon at ang kasalukyan. May mga pusong pinaglalaruan. Nasa parehong building ng call center but they will never realize that they are on the same floor. Maski parang laging may strange force na humihila sa kanila para tumingin sa kabilang building. Kailanman ay di sila magtatagpo. Tanungin man siya ng boyfriend niya kung ano iyong lagi niyang tinitignan sa kabila ay di niya masasagot. At kailanman ay di niya malalaman dahil eventually ang lalaki ay lilipat sa ibang lugar, at siya, hanggang sa mamatay, di na niya malalaman kung sino nga iyong nasa kabila. Merong pinalad na nagkakilala, nagkaibigan at nagsama. Pero sa di malamang dahilan ay iniwan ng babae ang lalaki. Mabubuhay ang lalaki sa walang hanggang paghahanap. Mari-realize niya na ang pag-ibig ay laging paghahanap. Pero hindi niya kailanman mahahanap ang babae dahil ang totoong hindi niya mahanap ay ang kanyang sarili. Merong away nang away kapag magkasama pero hindi naman kaya ang makahiwalay. Merong nagmamahal lamang kapag nananakit. Meron relihiyon ang humaharang, o katayuan sa buhay, o mga magulang. Merong sila mismo ang gumagawa ng harang. Merong umiibig na habang nagtatagal ay lalong nawawalan ng IQ. Merong pag umibig ay napupundi ang 4 out of 5 senses, touch lang ang natitira. Merong ang tingin sa pag-ibig ay tali. Meron di makahakbang dahil sa pag-ibig at merong namang nakakalipad. Merong ang tingin sa pag-ibig ay hapunang walang sawsawan. Merong pag umibig ay nahaharap sa salamin, sarili ang sinasamba. Merong ang tingin sa pag-ibig ay parusa. Ang iba'y iibig sa hayop, dahil noong unang panahon ay mga hayop sila. Ang iba'y iibig sa mga bahay, kinikilig kapag hinahaplos ang barandilya, nalilibugan sa mga kisame, pinagnanasaan ang sahig. Patuloy silang mananakit sa mga babaing umiibig sa kanila dahil hindi nila kailanman malalaman ang puso nila ay gawa sa kahoy. Pero merong isa sa lima, harangan man ng kulog, ng ganid, ng lindol, ng teknolohiya, mahahanap niya ang kanyang mahal. Siya lang ang magiging maligaya.
Ricky Lee

Nakilala ko ang isang 4th year high school na estudyante. Tatlong buwan na lang ay magtatapos na siya. Bago ang paghagupit ng Yolanda, nag-aaral siya para sa kaniyang mga pagsusulit kasama ang kaniyang kasintahan. Pangarap nilang maglakbay nang magkasama pagkatapos ng kolehiyo. Ito ang magiging kanilang unang pagkakataon. Kailangan lang nilang maghintay ng ilang buwan. Ang hindi niya inaasahan, sa tindi ng paghagupit ng bagyo ay kinailangan niyang pumili sa pagitan ng pagliligtas sa kaniyang kasintahan at sa kaniyang isang taong gulang na pamangkin. Sa loob ng maraming buwan, pinagmamasdan niya ang mismong lugar kung saan natagpuan niya ang kaniyang kasintahang may isang pirasong yero na nakatusok sa tiyan nito. Para akong nakahinga ng maluwag nang ang isa sa mga unang proyektong sinimulan namin sa ilalim ng pamumuno ni DPWH Secretary Mark Villar ay ang Leyte Tide Embankment, ang magsisilbing unang linya ng depensa para sa mga residente ng Tacloban, Palo, at Tanauan sa Leyte kung sakaling tumamang muli ang bagyo sa rehiyon.” - Night Owl: Edisyong Filipino (p. 226, Proyektong Build, Build, Build Silangang Visayas)
Anna Mae Yu Lamentillo
Noong 2016, nag-uumpisa pa lang ang Build, Build, Build. Marami ang may duda na kaya itong isakatuparan. Tinitigan ako ng isang kaibigan sa mata at sinabing, “Isa na naman itong pangako sa kampanya na sadyang hindi tutuparin.” Inihalintulad kami sa masugid na manliligaw na handang ipangako ang lahat. Hindi ko sila masisi. Noong panahong iyon, ₱3.5 bilyon ang nawawala sa atin kada araw dahil sa trapik sa Metro Manila. Nalampasan na ng EDSA ang maximum capacity nito. Ang mga proyekto ng gobyerno ay naantala ng maraming taon o dekada. Bagama’t pamilyar tayo sa katotohanang ito, hindi kami handang tanggapin na lamang ito. Malayo pa ang Pilipinas sa buong potensiyal nito. Ito na ang pagkakataon upang matupad ang isang pangarap na hubugin ang kasaysayan at ihatid tayo sa “Golden Age of Infrastructure.” - Night Owl: Edisyong Filipino (p. 112, Ang Solusyon sa 3.5 Bilyong Pisong Pasanin)
Anna Mae Yu Lamentillo
Dahil isa kang tikbalang, malaki ang pambaba mo! Alam mo bang nakamamatay 'yan para sa isang tao?! Isipin mo na lang kung ano'ng mangyayari kapag nagalit ka!
Jake Vicente (Tonio Tikbalang: Vol. 1 (Tonio Tikbalang, #1))
Nangako lang ako sa sarili ko! -- Na wala dapat sa ating mamamatay nang mag-isa!
Macoy (School Run: Who are the Black Squadron? (School Run, #6))
At kung nakakaramdam ka pa rin ng pag-iisa, huwag mag-alala dahil sa totoo lang, minsan, mas makabuluhan ang mag-isa. -Mula sa Mahal kong Gabriela ni Janet Tauro-Batuigas
Rolando B. Tolentino (Hayskul: Mga Sanaysay Na Hindi Pang-Formal Theme)
Hindi lang isa ang bayani sa bayanihan.
Macky Cruz (Hoy, Pong!)
[A]ng kundi ay ginagamit sa parirala o sugnay na pambaligtad sa isa pang parirala o sugnay sa loob ng isang pangungusap. Halimbawa: “Hindi pangit kundi kulang lang sa ganda.” Dili kaya'y pampatotoo sa sugnay na nag-uumpisa sa “wala.” Halimbawa: Walang pumayag kundi siya.” Sa mga Inglesero, kadiwa ng kundi sa ganitong mga pangungusap ang but sa Ingles. Ngunit iba ang gamit ng kung di. Pang-umpisa ito sa parirala o sugnay na kondisyon para sa katuparan o ikapangyayari ng isa pang parirala o sugnay sa loob ng isang pangungusap. Halimbawa: “Kung di ka susuko, lulutang ka sa dugo." Isa pa: “Maganda siya kung di lang sira ang ngipin.” Katapat naman ang magkahiwalay na kung di ng if sa Ingles. Tandaan din na ang hiwalay na kung di ng if ang ginagamit kapag may karugtong na man. Gaya sa: “Kung di man tao, hayop.” Sa isang uri lang ng kanta nagdidikit ang tatlo para maging “kundiman.
Virgilio S. Almario (Filipino ng mga Filipino: Mga Problema sa Ispeling, Retorika, at Pagpapayaman ng Wikang Pambansa)

A: Mahal? Ano’ng alam mo sa pagmamahal?! Isa lang ang hinahanap ninyo sa mga lalaki ‘di ba? Basta mapuno lang ‘yan mga bibig ninyo, masaya na kayo! B: Huhuhuhu! Hindi totoo ‘yan, Lester! Mahal talaga kita! Hindi ka naman gan’on kalaki para mapuno ang bibig ko, maniwala ka, Lester! Huhuhu!
Carlo Vergara (Zsazsa Zaturnnah sa Kalakhang Maynila (Part One) (Zsazsa Zaturnnah sa Kalakhang Maynila, #1))
Kapag sinabi ng isang tao o isang relihiyon na nasa kanila lamang ang Diyos, inaangkin nila ang Diyos at ikinukulong siya sa isang set ng mga paniniwala. Isa itong malaking pagkakamali dahil hindi mo maaring i- contain ang isang Diyos na transcendent. Hindi sinasabi ng Panginoon na mahal kita dahil banal ka, o mahal kita dahil maganda ka o mahal kita dahil maputi ang kulay ng iyong balat o mayaman ka o lalaki ka. Sinasabi ng Panginoon, mahal kita. Iyon lang
Jerry B. Gracio (Informal; Mga Pilíng Personal na Sanaysay)