Ibig Sabihin Ng Quotes

We've searched our database for all the quotes and captions related to Ibig Sabihin Ng. Here they are! All 11 of them:

Kapag sinabi kong mahal kita, ang ibig kong sabihin Masaya ako. Dahil mahal, gaano man kahaba ang araw, Uuwi ako sa 'yo. (p. 33)
Juan Miguel Severo (Habang Wala Pa Sila: Mga Tula ng Pag-ibig)
Ano pong ibig sabihin nitong preventive detention? The meaning of preventive detention is Mr. Marcos thinks that next month, you will commit a crime, he can now order you arrested so you will not be able to commit your crime. Anong klaseng batas iyan? Iniisip mo pa lang eh nabilanggo ka na eh. Aba’y hayop kako itong batas na ito. Eh kung totoo ito, eh lahat ng lalaking diborsyado na nag-iisip pa lang magliligaw, patay na sa asawa.
Benigno Simeon Aquino Jr.
Ganito pala ang ibig nilang sabihin ng bigat ng pagkawalay kumpara sa paghihiwalay. Sa paghihiwalay, wala ka nang inaasahan pang babalik o babalikan kaya madaling magpatuloy; sa pagkawalay, sinusukat mo pa ang mga paglalakbay ninyo ikaw, kung gaano ka na kalayo sa pinaggalingan mo, at siya kung gaano na siya kalapit sa patutunguhan niya. Ang tagpuan ninyong dalawa sa paglalakbay na ito ay ang walang katapusan at nakakaiinip na paghihintay. Marami raw namamaty sa bagot ng paghihintay. Natawa ako sa aking sarili.
Rogelio Braga (Colon)
Noong 2016, walang nakakaalam kung ano ang ibig sabihin ng Build, Build, Build o kung ano ang layunin nito. Minaliit ng mga kritiko ang kakayahan ng Build, Build, Build team. Tila ba sigurado silang hindi tayo magtatagumpay, hindi alintanang ang ganoong kaisipan ay laban sa ikabubuti ng ating bayan. Natitiyak nilang ang mga proyekto sa imprastraktura ay hindi magkakatotoo — na ang mga blueprint ay mananatiling ganoon na lamang. Hindi nila inaasahang 6.5 milyong Pilipino ang titindig at magtatrabaho sa likod nito.” - Night Owl: Edisyong Filipino (p. 142, Proyektong Build, Build, Build Rehiyong Cordillera)
Anna Mae Yu Lamentillo
Ang kung saan ay tulad ng kung ano, kung bakit, at kung sino sa balarilang Filipino na nagpapahiwatig ng kawalang-katiyakan. Ang ibig sabihin, kung hindi tiyak ang lunan ng isang bagay o pangyayari ay tamang gamitin ang “kung saan.
Virgilio S. Almario (Filipino ng mga Filipino: Mga Problema sa Ispeling, Retorika, at Pagpapayaman ng Wikang Pambansa)
[P]aborito ko ang . . . masaalla (salawikain) ng mga Tausug: Gam muti' in bukug Ayaw in tikudtikud. “Mas mabuti pang pumuti ang butó kaysa pumuti ang sákong." Ang ibig sabihin, mainam pang mamatay (pumuti ang butó) kaysa maging duwag na tumakbo sa labanan (pumuti ang sákong).
Virgilio S. Almario (Filipino ng mga Filipino: Mga Problema sa Ispeling, Retorika, at Pagpapayaman ng Wikang Pambansa)
[A]ng isang binibini'y “may itsura.” Ibig sabihin, maganda at taliwas sa “maitsura” na ibig sabihi'y pangit.
Virgilio S. Almario (Filipino ng mga Filipino: Mga Problema sa Ispeling, Retorika, at Pagpapayaman ng Wikang Pambansa)
Ang pang-abay na parati ay dî hangò sa dati, na gaya ng palagì sa lagì; sapagká’t may ibáng kahulugán at diwà. Ang ibig sabihin ng parati ay palagì, samantalang ang dati ay noóng araw, nang panahóng nagdaán.
Lope K. Santos (Balarila ng Wikang Pambansa)
Ang ibig sabihin ng pag-ibig ay ang paglikha ng mga alaala. Ang isang libong alaala ng pag-ibig ay kayang paslangin ng isang pagkakamali. Ang umibig ay ang patuloy na lumikha ng mga alaala.
Rogelio Braga (Sa Pagdating ng Barbaro At Iba Pang Mga Dula)
SUMUKO ka. Pero hindi ibig sabihin nun titigil ka. Ang pagsuko ay ang pag-alam sa tunay at dalisay na takbo at hangarin ng iyong buhay. Hubaran mo ang iyong pagkatao, katulad ng mga panahong wala ka pang muwang sa mundo. Burahin mo ang bawat katotohanang ikinintal at pilit ipinaintindi ng magulong umiinog na globo. Magsimula ka sa wala. SUMUKO ka, kapara ng unang pagkakataon na HUBAD at BATA ka pa. Nang sa gayun makita mo, kung SINO ka ngang talaga.
Sycamore Wild
Ang iyong nadaramang pag-ibig ay nagmumula sa iyo, sa pagbaling ng iyong kalooban: pagbaling na isang uri ring pagsuko. Hinayaan mong mahila ng pag-akit ang iyong kalooban. Kaya't madalas sabihin: "Nahuhulog ang kanyang loob kay kung sino." Sa simula, ang paghulog ng loob ay maaring walang isip, gaya ng pagkusa ng isang tanim na tumutubo. Kaya't madalas sabihin: "Tinubuan sya ng pag-ibig." Pagkatapos, maaring mamalayan ang pagkahulog ng loob, timbangin, angkinin... gawing kusang-loob. At kapag ginawa nang kusang-loob ang pag-ibig ay maari nang sabihin: "Pinapatubo niya ang pag-ibig." At habang lahat nito ay nagaganap sa iyong kalooban, nadarama mo rin na may hawig diyan na nagaganap sa kanyang kalooban. Kalooban at kalooban ay nakikipagtagpo. Dumaramdam at nakikiramdam.
Roque Ferriols (Pilosopiya ng Relihiyon)