“
Tumatakbo siya, takbo nang takbo. Sa paa at ligalig ng isang pitong taong gulang na bata. Hinahabol ang kamusmusan sa mga bakanteng lote, eskinita, court, at lansangan. Dinadama ang hapdi ng init ng panahon sa tustadong balat. Nilalanghap ang alikabok. Nakikipagparamihan ng paltos at libag sa mga kalaro. Binabaka ang hikbi kung natutukso. Tinatawanan ang sarili kung nadadapa. Lulubugan ng araw nang nagwawala. At magigising siya, sa ulirat ng isang siyam na taong gulang na bata, gulong- gulo. Balot ng takot at pangamba ang loob ng bungo at sikmura sapagkat ang tabing na kurtina na ang nagsisilbing hudyat ng kaniyang dapit-hapon at hindi na ang mga ulap sa himpapawid.
”
”
Ronaldo S. Vivo Jr. (Ang Kapangyarihang Higit sa Ating Lahat)