β
Hikayatin mo lahat ng kakilala mo na magkaroon ng kahit isa man lang paboritong libro sa buhay nila. Dahil wala nang mas kawawa pa sa mga taong literado pero hindi nagbabasa.
β
β
Bob Ong
β
karapatan kong madapa at bumangon sa buhay nang walang tatawa, magagalit, magtatanong, o magbibilang kung ilang beses na 'kong nagkamali at ilang ulit ako dapat bumawi
β
β
Bob Ong (ABNKKBSNPLAKo?! (Mga Kwentong Chalk ni Bob Ong))
β
Obligasyon kong maglayag, karapatan kong pumunta sa kung saan ko gusto, responsibilidad ko ang buhay ko.
β
β
Bob Ong (ABNKKBSNPLAKo?! (Mga Kwentong Chalk ni Bob Ong))
β
Hindi ako naniniwala sa fate, destiny at soul mates. Ang mundo ay binubuo ng mga pangyayaring random na kaganapan. Bahala ka sa buhay mo.
β
β
Ramon Bautista (Bakit Hindi Ka Crush ng Crush Mo?)
β
Nalaman kong habang lumalaki ka, maraming beses kang madadapa. Bumangon ka man ulit o hindi, magpapatuloy ang buhay, iikot ang mundo, at mauubos ang oras.
β
β
Bob Ong
β
Nalaman kong hindi pala exam na may passing rate ang buhay. Hindi ito multiple choice, identification, true or false, enumeration, o fill-in-the-blanks na sinasagutan, kundi essay na isinusulat araw-araw. Huhusgahan ito hindi base sa kung tama o mali ang sagot, kundi base sa kung may kabuluhan ang mga naisulat o wala. Allowed ang erasures.
β
β
Bob Ong (ABNKKBSNPLAKo?! (Mga Kwentong Chalk ni Bob Ong))
β
90% ng problema mo ay imbento lang.
β
β
Ramon Bautista (Bakit Hindi Ka Crush ng Crush Mo?)
β
May mga librong magkakasundo ang sinasabi, at meron din namang mga nagpapatayan ng opinyon. May libro para sa kahit anong edad, kasarian, lahi, relihiyon, edukasyon, at katayuan sa buhay. May mahal at mura, malaki at maliit, makapal at manipis, pangit at maganda, mabango at mabaho, may kwenta at wala.
Lahat meron. Sari-sari. Iba-iba. Tulad din ng mga tao. Utak ng tao. Dahil ang bawat libro ay maliit na litrato ng utak ng tao.
β
β
Bob Ong (Stainless Longganisa)
β
Huwag mong ipangako ang habang-buhay Meredith. Ipangako mo sa akin ang walang hanggang.
- Tristan
β
β
Martha Cecilia (Kristine Series 55: Monte Falco: Island In The Sun)
β
Kapag sumablay ka, isipin mo na lang na nagsimula ka din naman sa wala at walang nagbago.
β
β
Ramon Bautista (Bakit Hindi Ka Crush ng Crush Mo?)
β
Bakit kaya ganun? Liligawan nila tayo. Papakitaan ng magandang ugali. Yung gagawin pa tayong prinsesa ng buhay nila. Yung ipaparamdam nila sa atin na hindi nila kayang mabuhay kung wala tayo. Tapos kapag na-fall na tayo at handa na natin silang mahalin, bigla na lang mababago ang lahat. We're not princesses anymore.
β
β
Marcelo Santos III (Para sa Broken Hearted)
β
Samantalang sa tunay na buhay, pag nangyari, iyon na. Walang revision.
β
β
Ricky Lee (Para Kay B (o kung paano dinevastate ng pag-ibig ang 4 out of 5 sa atin))
β
Mas madaling mamatay kaysa mabuhay, tumataas ang halaga ng pagkain habang bumababa naman ang halaga ng buhay.
β
β
Jun Cruz Reyes
β
I love you.. Kahit na san ako mag punta, ikaw lang mamahalin ko. I love you.. Kahit na ilang beses mo akong saktan, ikaw parin ang mamahalin ko. I love you.. Kahit na pagod na pagod na ko, ikaw parin ang mamahalin ko. I love you.. Kahit sa kabilang buhay.. ikaw parin ang mamahalin ko. I love you.. kahit na sobra sobra na yung pagmamahal ko sayo, patuloy parin yung pagmamahal ko sayo. I love you.. Kahit na sandali lang yung pagsasama natin, masaya ako dahil nakasama parin kita kahit papaano.. I love you, Kenji.. I love you.. I love you.. I love you.. UhnJaeNa,YoungWonHee..
β
β
Bianca B. Bernardino (She's Dating the Gangster)
β
Kaya nga sa fairy tale, lagi na lang sinasabing 'and they live happily ever after' kasi hindi maikwento ano talaga ang naging ending. Nung magpakasal ang prinsesang maganda sa isinumpang prinsipe na naging palaka na bumalik uli sa pagiging gwapo ng prinsipe(matapos mahalikan), hindi pa naman ending yun. Kalagitnaan pa lang ng buhay nila yun. Ilan ang anak nila? Nanganak kaya ang prinsesa ng butete? Ano ang nangyari sa kanila nung tumanda sila? Sino ang unang namatay? kahit nga ang buhay sa mundo, matapos di umano ang katapusan ng mundo, magsisimula uli ang tao sa bagong paraiso. Wala pa ring closure.
β
β
Eros S. Atalia (Ligo Na U, Lapit Na Me)
β
Hikayatin mo lahat ng mga kakilala mo na magkaroon ng kahit isa man lang paboritong libro sa buong buhay nila. Dahil wala nang mas nakakaawa pa sa mga taong literado pero hindi nagbabasa...bilang tao, may karne sa loob ng bungo mo na nangangailangan ng sustansya.
β
β
Bob Ong (Stainless Longganisa)
β
...ang nabubuhay sa kahapon ay nabubuhay sa buntong hininga at ang nabubuhay sa kinabukasan ay nag-aaksaya ng hininga. Ngayon ako humihinga. Ngayon ako dapat mabuhay.
β
β
Eros S. Atalia
β
Kung hindi malaya ang bagay na may buhay, dapat man lang sana ay malawak ang kinalalagyan nito," sabi ko.
"Pero kulungan parin ang kulungan, gaano man ito kalaki," sagot n'ya.
β
β
Bob Ong (Si)
β
ang trahedya ng buhay ko? hindi ako nagkaroon ng kapangyarihang makapagsabi ng tamang bagay sa tamang tao sa tamang panahon
β
β
Bob Ong
β
Kahit nga ang buhay sa mundo, matapos di umano ang katapusan ng mundo, magsisimula uli ang tao sa bagong paraiso. Wala pa ring closure.
β
β
Eros S. Atalia
β
Naisip kong hindi maaaring magkaroon ng perpektong buhay ang isang tao. Hindi natin makukuha ang lahat ng gusto natin. Hindi umaayon ang lahat sa kagustuhan natin. Walang exception doon.
β
β
Belle Feliz
β
Malawak ang mundo. Hindi dapat umiikot sa isang bagay lang ang buhay.
β
β
Belle Feliz
β
Paano mo malalaman kung hindi ka magtatanong? Pero andami-dami nating nalalaman kahit hindi tayo nagtatanong. Paano ka pa magtatanong kung alam mo na ang sagot. Pero paano ka magtatanong kung hindi mo alam kung ano ang iyong itatanong? Paano mo sasagutin ang tanong sa iyo kung hindi mo alam ang isasagot? Paano ka sasagot kung hindi mo alam ang tanong. (Kunsabagay, sa buhay na ito, madalas, tama ang sagot, mali nga lang ang tanong).
β
β
Eros S. Atalia
β
Pag di mo na nadarama'ng mga kapakinabangan ng buhay at ang buhay ay wala nang kapakinabangan sa'yo, dapat ka nang mamatay. 'Yong pinakamabuting maaaring mangyari sa'yo, sa gano'ng kalagayan.
β
β
Edgardo M. Reyes (Sa Mga Kuko ng Liwanag)
β
Manghihinayang ka, tapos maiinis ka sa buhay tapos maiiyak ka tapos magagalit ka. Tapos mare-realize mo, wala ka palang magagawa. Hanggang ganyan lang ang papel mo: ang makaramdam ng ganitong emosyon sa ganitong pagkakataon,
β
β
Bebang Siy
β
Nalaman kong ang mundo, sa totoong buhay, ay hindi 'yung makulay na murals na
nakikita sa mgaa pre-school. Hindi ito laging may rainbow, araw, ibon, puno, at
mga bulaklak.
β
β
Bob Ong (ABNKKBSNPLAKo?! (Mga Kwentong Chalk ni Bob Ong))
β
A: Oy! Oy! Oy ba't sumisingit 'yan ha?! Hoy! Mahilig ka ba sa singit? Hoy!
B: Hwsht! Pabayaan mo na, tsong... Big time 'yan eh...
'Wag mo na anuhin. Nanay n'yan senador, erpat n'ya general, kapatid n'ya kongresman, kapitbahay nila meyo --
A: Pwes ako anak ng Diyos! Tatay ko Poong Maykapal at utol ko si Hesukristo!! Ano?! Ha?!
β
β
Manix Abrera (Alab ng Puso sa Dibdib Mo'y Buhay! (Kikomachine Komix, #5))
β
Siguro ganun talaga ang buhay. May mga bagay na kahit anong buhos mo ng effort o kahit gaano pa ang tindi ng kagustuhan mong makuha ay hindi mapapasaiyo kung hindi nakatakda sa isang invisible na script na kung tawagin ay tadhana.
β
β
Jayson G. Benedicto (Daily Dairy Diarrhea Diary)
β
Wala akong isinisisi sa magulang ko. Naging ako ako dahil sa mga desisyon ko sa buhay.
β
β
Bob Ong (Si)
β
Sa buhay na ito tayo'y manatiling huminga ng malalim.
β
β
Bamboo Manalac
β
Ang realidad ng buhay ay ganito: magulo, masaya, maitim, maputi, mabaho, mabango, iba-iba, hindi pwedeng PINK lang lagi.
β
β
Klitorika (Tales Of Klitorika)
β
Ang buhay ay di nagsisimula sa pagtuntong sa sisenta. Nagsisimula ito sa bawat ngiti ng umaga.
β
β
Lualhati Bautista (Sixty in the City)
β
Nawalan muli ng isang oras ang buhay ng bawat kabataan, saka isang bahagi ng kaniyang karangalan at paggalang sa sarili, at kapalit ang paglaki sa kalooban ng panghihina ng loob, ng paglalaho ng hilig sa pag-aaral, at pagdaramdam sa loob ng dibdib.
β
β
JosΓ© Rizal (El Filibusterismo (Noli Me Tangere, #2))
β
Minsan, hindi tayo makakagawa ng magandang alaala kung walang lungkot, takot, sakit. Kahit nga sa pagsulat ng mga masasayang bagay, nangangailangan din ng karanasan ng lungkot. Pa'no ka magsusulat tungkol sa kaligayahan kung hindi mo alam at naranasan ang lungkot? Pa'no ka makukuwento ng kamatayan kung hindi mo alam ang kahulugan ng buhay? (p. 178)
β
β
RM Topacio-Aplaon (Lila Ang Kulay ng Pamamaalam (Imus Novel 3))
β
Ang kamatayan ay hindi isang ritwal kundi isang tulay papunta sa pinili mong buhay (p. 341).
β
β
RM Topacio-Aplaon (Lila Ang Kulay ng Pamamaalam (Imus Novel 3))
β
Walang matibay na relasyon kung buhay pa ang mga Kalapating mababa ang lipad...
β
β
Napz Cherub Pellazo
β
Ang isipang laging may pagkamangha at laging may pagtatanong sa pakaliwa't pakanan ng buhay ay isang isipang malaya.
β
β
AndrΓ©s CristΓ³bal Cruz (Ang Tundo Man May Langit Din)
β
A: Tsk! Ano ba naman 'tong araw na 'to? Ang ineeeht! Hwooh!
B: Natural! Ano gusto mo? Malamig s'ya? E 'di dedbol na tayo n'un! Hwaha!
A: Tangek! All I'm saying is... tsk! 'Wag na tayo dito sa labas... Kanina pa tayo nasa araw eh! D'un na --
B: Huwow! And all this time akala ko nasa earth tayo!! Hwow! Teka lang! Huwow!
β
β
Manix Abrera (Alab ng Puso sa Dibdib Mo'y Buhay! (Kikomachine Komix, #5))
β
Naalala kong tinanong ako ng isang manunulat kung ano ang plot ng nobelang sinusulat ko. Wala akong masabing plot. May plot ba ang buhay? Hindi mo alam kung saan ka dadalhin ng buhay.
β
β
Ellen L. Sicat (Unang Ulan ng Mayo)
β
Kung mamamatay man ako dahil sa ginagawa ko, masasabi kong kahit paano, naging makabuluhan pala 'yung buhay ko sa mundo. Na kahit sa pamamagitan lang ng mga motivational messages na ipinopost ko sa Facebook page ko, nakakatulong ako sa mga tao. Siguro, 'yun 'yung purpose ko.
β
β
Marcelo Santos III (Mahal Mo Siya, Mahal Ka Ba?)
β
Minsan, ang buhay pag-ibig ng isang tao ay parang balon. Ibibigay mo ang lahat. Kapag natuyo ka na at walang pakinabang, hindi ka na nila papansinin. At malamang mauwi ka bilang isang wishing well, na tatapunan ng barya o gagawing props sa isang pelikula kung saan mula sayo lilitaw si Sadako.
β
β
Jayson G. Benedicto (To Share Why I Like My Neighbor Skype and Her Tumblr Named Twitter)
β
Mahirap tanggapin ang katotohanan. May mga pagkakataon na kinakailangan mong dumaan sa mga karanasanang magtuturo sa yo ng tama. Minsan masasaktan ka lalo at minsan din ay lalo mo lang mauunawaan ang tunay dahilan kung bakit nangyayari ang mga naranasan at nararanasan mo. Maaaring sa pamamagitan ng (mga) tao, (mga) bagay, o (mga) pangyayari.
Ang pinakamainam na lang na gawin ay buksan ang puso at iproseso sa isip na ang lahat ng ito ay magandang idinulot at maidudulot sa buhay mo.
β
β
Juan Qo Nga Bah
β
Person 1: O mahal ko, meβ naaalala akong kasabihanβ¦ Pwede kang magreklamo dahil ang rosas ay may tinik; ngunit pwede kang magdiwang dahil ang tinik ay may rosas.
Person 2: Ha? Ano na naman problema mo?
Person 1: Bibigyan sana kita kaso kapos ang budget ko. Pwede akong magreklamo dahil wala akong pera⦠Ngunit pwede akong magdiwang dahil ang pera ay wala lang.
Person 1: Pwede akong magreklamo dahil ang mahal mabuhayβ¦ Ngunit pwede akong magdiwang dahil sa buhay koβy meron akong mahal!
Person 2: Pwede akong magreklamo dahil ang korni-korni moβ¦ Ngunit pwede akong magdiwang dahil ang korniβy βdi ako.
Person 1: Omaygahd! Natututo ka na! Hwooh Ay lab yu!
β
β
Manix Abrera (Venn Man at iba pang Kalupitan ng Kapalaran! (Kikomachine Komix, #6))
β
Kaunti na lang. Malapit na akong isilang sa mundo kung saan mararanasan ang buhay. Kung saan ako magmamahal. At masasaktan. At muling magmamahal nang walang hangganan. Sapagkat ang tanging kaluwalhatian ng buhay ay nasa pag-ibig, at ang sagradong tungkulin ng puso ay ang magmahal, nang walang pangamba sa lahat ng kabutihang maaaring ipadama sa ba sa kabila ng mga pasakit at pagkakamali. Nais kong magmahal. At nais kong magmahal, mahalin, at maranasan ang lahat ng napakagandang hiwaga sa pagitan ng dalawa.
β
β
Bob Ong (Si)
β
Bisaya pala ang βsus ginoo koβ. Buong buhay kong ginagamit kala ko Tagalog, sus.
β
β
Kakie Pangilinan
β
Nakasalalay sa iyong sarili
ang pag-unlad ng iyong buhay,
hindi sa kapatid mo, hindi sa magulang mo,
hindi sa ibang tao, kundi sa iyo.
β
β
Jervin Balmediano
β
Sana naging pilas na lang ako ng libro para naging kaparte ng buhay mo.
β
β
akosiastroboy
β
#KeepItup ika nga sa mga nagsusumikap sa kanilang buhay. Huwag mapagod gumawa ng tama. Darating din ang kaginhawaan, malapit na.
β
β
akosiastroboy
β
Walang perpektong bagay sa taong maraming inaasam sa buhay,
β
β
Elyy
β
#Positive #Positive kaya yan, lalo sa mga nagsisimula palang o mga nahihirapan sa buhay :)
β
β
akosiastroboy
β
:) smile naman diyan, kung na stress ka o naiinis cool lang at relax XD hahaah minsan ganyan talaga agn buhay.
β
β
akosiastroboy
β
Sa buhay hindi mo kailangan ng madaming option dahil kadalasan hindi mo na aapreciate ang buhay dahil nakakalimutan mong pahalagahan ito.
β
β
akosiastroboy
β
Masayang ingay ang buhay.
β
β
Aron Micko H.B
β
Mayaman pa sa Diyos,β I echoed in question. βAno pa naman kaya ang reklamo niya sa buhay at mukhang ang sungit pa rin ng itsura?
β
β
Zara Irigo (So Yabang: A Pride and Prejudice Retelling)
β
Sapagkat ang babae ay hindi isinilang para sa musika at selebrasyon ng sariling buhay; ang babae ay isinilang para maging musika ng kanyang asawa't mga anak" (p. 90 - Sixty in the City)
β
β
Lualhati Bautista
β
Hindi mahalaga kung marami ka nang napuntahan o naranasan sa buhay mo. The only thing that matters is how you make yourself satisfied with the things you do and choices you make gaano man kahirap ang mga iyon.
β
β
Juris Angela
β
Kung importante ang pag-ibig dahil ito ang magpapatibok ng puso mo, importante rin naman ang trabaho at career dahil ito ang magpapatibok ng bituka mo. Maaaring ito rin ang panggalingan ng purpose mo sa buhay.
β
β
Bebang Siy (Nuno sa Puso: Pag-ibig)
β
Pumapasok na nga ang 1975. Sana'y isang maganda at payapa kahit di na masaganang bagong taon. Isang taon ng kaligtasan sa mga di-pagkakaunawaan, sakit, aksidente, raids, mass arrest, encounter, assassination, at mga pa-traidor ng kamatayan!
β
β
Lualhati Bautista (Dekada '70 (Ang Orihinal at Kumpletong Edisyon))
β
Me quota ang pag-ibig. Sa bawat limang umiibig, isa lang ang magiging maligaya. Ang iba, iibig sa di sila iniibig. O iibig nang di natututo. O iibig na wala. O di iibig kailanman.
Ang iba'y iibig sa maling panahon, umibig na noong 1980s, nakipagmartsa sa mga aktibista, pero ang taong nakatakda para sa kanya ay nabuhay noon pang 1930s, isang rebelde laban sa mga amerikano, matagal nang namatay. Kaya she keeps falling in love sa mga lalaking mas matatanda hinahanap sa kanila ang di mahanap na wala, hindi mapagtagpo ang kahapon at ang kasalukyan.
May mga pusong pinaglalaruan. Nasa parehong building ng call center but they will never realize that they are on the same floor. Maski parang laging may strange force na humihila sa kanila para tumingin sa kabilang building. Kailanman ay di sila magtatagpo. Tanungin man siya ng boyfriend niya kung ano iyong lagi niyang tinitignan sa kabila ay di niya masasagot. At kailanman ay di niya malalaman dahil eventually ang lalaki ay lilipat sa ibang lugar, at siya, hanggang sa mamatay, di na niya malalaman kung sino nga iyong nasa kabila.
Merong pinalad na nagkakilala, nagkaibigan at nagsama. Pero sa di malamang dahilan ay iniwan ng babae ang lalaki. Mabubuhay ang lalaki sa walang hanggang paghahanap. Mari-realize niya na ang pag-ibig ay laging paghahanap. Pero hindi niya kailanman mahahanap ang babae dahil ang totoong hindi niya mahanap ay ang kanyang sarili.
Merong away nang away kapag magkasama pero hindi naman kaya ang makahiwalay. Merong nagmamahal lamang kapag nananakit. Meron relihiyon ang humaharang, o katayuan sa buhay, o mga magulang. Merong sila mismo ang gumagawa ng harang.
Merong umiibig na habang nagtatagal ay lalong nawawalan ng IQ. Merong pag umibig ay napupundi ang 4 out of 5 senses, touch lang ang natitira. Merong ang tingin sa pag-ibig ay tali. Meron di makahakbang dahil sa pag-ibig at merong namang nakakalipad. Merong ang tingin sa pag-ibig ay hapunang walang sawsawan. Merong pag umibig ay nahaharap sa salamin, sarili ang sinasamba. Merong ang tingin sa pag-ibig ay parusa.
Ang iba'y iibig sa hayop, dahil noong unang panahon ay mga hayop sila. Ang iba'y iibig sa mga bahay, kinikilig kapag hinahaplos ang barandilya, nalilibugan sa mga kisame, pinagnanasaan ang sahig. Patuloy silang mananakit sa mga babaing umiibig sa kanila dahil hindi nila kailanman malalaman ang puso nila ay gawa sa kahoy.
Pero merong isa sa lima, harangan man ng kulog, ng ganid, ng lindol, ng teknolohiya, mahahanap niya ang kanyang mahal. Siya lang ang magiging maligaya.
β
β
Ricky Lee
β
Lahat tayo ay gustong umasenso at gumanda ang buhay pero iwasan natin manghila pababa para lang umangat, Laging tandaan na mas masarap sa pakiramdam kung wala kang tinatapakan na ibang tao, respeto sa kapwa ang lagi mong baunin tiyak na mas aasenso ka pa patungo sa gusto mong marating.
β
β
Napz Cherub Pellazo
β
Madaling gumaling ang sugat sa pisikal na pangangatawan ng tao. Ngunit ang sugat ng damdamin ay matagal maghilom. Kakabit ng pagkakaroon ng intimacy ang pagmamahal, at kakabit naman ng pagmamahal ang sakit. Mainam na huwag paglaruan ang damdamin ng iba at damahin na lamang ang saya at sarap ng buhay.
βMula sa isang papel-pananaliksik, p. 269
β
β
Imelda De Castro (Kritikal Na Pagbasa at Akademikong Pagsulat Tungo sa Pananaliksik)
β
Napakanormal maging malungkot sa mundong puro kalungkutan. Pero higit sa kalungkutan, ang paglasap. Ang paglasap sa pakiramdam ng naiwan. Ang katahimikang dulot ng kaalaman na minsan sa buhay mo, kinaya mong mabuksan ang sarili mo sa sugal na walang kasiguraduhan. Na ang sagot man ngayon ay hindi, baka sa isang taon, sa ibang tao, baka oo naman.
β
β
Macky Cruz (Hoy, Pong!)
β
Ang magagandang desisyon ay nagmula sa karanasan at ang karanasan ay nagmumula sa hindi magagandang desisyon, at Sa bawat PagKakaMali natin dun naman tayo Natututo.
β
β
Napz Cherub Pellazo
β
it's only through taking risks that success can be found.
β
β
Jamie Bautista (Buhay ang Baston: The 1st Philippine 24-Hour Comic Book Challenge)
β
Walang problema sa ganyang kwento basta maintindihan natin ang mahalagang aral ni Lola Basyang. Simpleng logic lang ang kailangan. Yong bida sa TV, mabait PERO mahina kaya inaapi ng mga kontrabida, o kaya ay niloloko ng leading man, o pinapainom ng lason ng kaaway o kaya ay nagkakaroon ng amnesia. So paano mo maiiwasan ang mga 'yan? simple lang. Maging mabait ka pero maging palaban. Dahil sa totoong buhay, pwede kang maging bida na ganyan ang character mo,
β
β
Rod Marmol (Lahat Tayo May Period (At Iba Pang Punctuation Marks))
β
Minsan may ibang dahilan Kaya mo nasasabi yung Salitang pagod kana. Siguro Isa sa mga rason ay ang malaking pag kakaiba ng ugali, sa kung anong trip, sa estado ng buhay, sa pananalita, sa mga galawan, sa pinapanuod, sa kinakain,??? . Ang dagok na kinasasangkotan mo ay hindi dahilan Para sumuko! ang problema at pagsubok ay kakambal na ng ating buhay hindi mo maiiwasan yun, palagan mo at yun ang naaayon, desisyon mo kung ano ang makakabuti sa bawat pagtawid mo sa problema, dun ka matututo. lawakan ang pangunawa, ang magpapabago satin upang maging mabuting tao..
β
β
Napz Cherub Pellazo
β
Me quota ang pag-ibig. Sa bawat limang umiibig, isa lang ang magiging maligaya. Ang iba, iibig sa di sila iniibig. O iibig nang di natututo. O iibig na wala. O di iibig kailanman.
Ang iba'y iibig sa maling panahon, umibig na noong 1980s, nakipagmartsa sa mga aktibista, pero ang taong nakatakda para sa kanya ay nabuhay noon pang 1930s, isang rebelde laban sa mga amerikano, matagal nang namatay. Kaya she keeps falling in love sa mga lalaking mas matatanda hinahanap sa kanila ang di mahanap na wala, hindi mapagtagpo ang kahapon at ang kasalukyan.
May mga pusong pinaglalaruan. Nasa parehong building ng call center but they will never realize that they are on the same floor. Maski parang laging may strange force na humihila sa kanila para tumingin sa kabilang building. Kailanman ay di sila magtatagpo. Tanungin man siya ng boyfriend niya kung ano iyong lagi niyang tinitignan sa kabila ay di niya masasagot. At kailanman ay di niya malalaman dahil eventually ang lalaki ay lilipat sa ibang lugar, at siya, hanggang sa mamatay, di na niya malalaman kung sino nga iyong nasa kabila.
Merong pinalad na nagkakilala, nagkaibigan at nagsama. Pero sa di malamang dahilan ay iniwan ng babae ang lalaki. Mabubuhay ang lalaki sa walang hanggang paghahanap. Mari-realize niya na ang pag-ibig ay laging paghahanap. Pero hindi niya kailanman mahahanap ang babae dahil ang totoong hindi niya mahanap ay ang kanyang sarili.
Merong away nang away kapag magkasama pero hindi naman kaya ang makahiwalay. Merong nagmamahal lamang kapag nananakit. Meron relihiyon ang humaharang, o katayuan sa buhay, o mga magulang. Merong sila mismo ang gumagawa ng harang.
Merong umiibig na habang nagtatagal ay lalong nawawalan ng IQ. Merong pag umibig ay napupundi ang 4 out of 5 senses, touch lang ang natitira. Merong ang tingin sa pag-ibig ay tali. Meron di makahakbang dahil sa pag-ibig at merong namang nakakalipad. Merong ang tingin sa pag-ibig ay hapunang walang sawsawan. Merong pag umibig ay nahaharap sa salamin, sarili ang sinasamba. Merong ang tingin sa pag-ibig ay parusa.
Ang iba'y iibig sa hayop, dahil noong unang panahon ay mga hayop sila. Ang iba'y iibig sa mga bahay, kinikilig kapag hinahaplos ang barandilya, nalilibugan sa mga kisame, pinagnanasaan ang sahig. Patuloy silang mananakit sa mga babaing umiibig sa kanila dahil hindi nila kailanman malalaman ang puso nila ay gawa sa kahoy.
Pero merong isa sa lima, harangan man ng kulog, ng ganid, ng lindol, ng teknolohiya, mahahanap niya ang kanyang mahal. Siya lang ang magiging maligaya.
β
β
Ricky Lee
β
know How to fight for your right because no one will
β
β
Yeth Bisto (BUHAY PINOY SA AMERIKA (FAITH Book 1))
β
Dig a hole every sunny day
And stops every rainy day
Do this everyday
You will see a difference every single day
β
β
Yeth Bisto (BUHAY PINOY SA AMERIKA (FAITH Book 1))
β
Karanasan ang magsilbing aral sa tinatahak mong buhay.
β
β
Napz Cherub Pellazo
β
...isang kabanata lang ng buhay ang tinatapos ng bawa't ending at hindi ang kabuuan ng kasaysayan, may mga kuwentong ayaw mo nang dugtungan. May mga tauhan na ayaw mo nang kumustahin.
β
β
Lualhati Bautista (In SisterhoodβLea at Lualhati)
β
Yang hawak mong diploma, para 'yan sa iba, hindi para sa'yo.
β
β
Ricky Lee (Kulang na Silya at Iba pang Kuwentong Buhay: Essays on Life and Writing)
β
Sabi nila, higit na taimtim ang mga panalangin sa loob ng ospital kumpara sa simbahan. Totoo. At hindi ko alam kung mayroon pang hihigit sa mga dasal ko para sa pagbalik ng buhay sa kanyang katawan. Hindi na ito ang mundong nais kong hingahan kung hindi rin ito ang mundong gising si Victoria
β
β
Bob Ong (Si)
β
Mas gugustuhin ko ang mundong ligtas," sabi niya, "na walang mga nilalang na tulad nating pwedeng maglagay sa buhay ng iba sa panganib.
β
β
Alex Rosas (Watching People's Feet III)
β
Kaya naming mamuhay nang walang mga diyos, Maklium-sa-Tiwan," bulong ko sa kanya. "Maiksi man ang buhay ng tao, `yan ang lakas namin na wala sa mga diwatang tulad ninyo.
β
β
Alex Rosas (Watching People's Feet III)
β
Unti-unti ko ng natutunan tanggapin ang mga bagay na dati ayaw kong mawala.
β
β
Napz Cherub Pellazo
β
Kung may mga pagkakamali ka man nagawa sa buhay, huwag mong sisihin ang sarili mo o isipin na ikaw ay talunan, Dahil bawat pagsubok na pinagdaanan mo dun ka nagiging matatag sa iyong landas at natuto sa mga pagkakamaling nagawa mo.
β
β
Napz Cherub Pellazo
β
Makalipas ang ilang taon matapos nanalasa ang Bagyong Yolanda sa Pilipinas, patuloy pa rin ang pagtulong ng mga international development organizations sa rehabilitasyon.
Sa isip ko, mahirap pag-usapan ang tungkol sa sustainable development kung ang mga mag-aaral ay kailangan ipagsapalaran ang kanilang buhay makapunta lang sa paaralan; kung ang mga magsasaka at mangingisda ay napipilitang kunin kung anuman ang inaalok na presyo ng ahente dahil ang paghahatid ng kanilang ani at huli ay napakahirap.
Ang ilang mga bayan ay napupuntahan lamang gamit ang mga bangka. Kapag umuulan, kailangang mamili ng mga pamilya kung ipagsasapalaran ang kanilang buhay o mawala ang kanilang kita.
Sa puntong iyon ko napagtanto na kung nais natin makamit ang inclusive growth, kinakailangan ang isang mahusay na infrastructure network. Hindi ko akalain na matapos lang ang ilang taon ay sasali ako sa Build, Build, Build ni Pangulong Rodrigo Duterte.β - Night Owl: Edisyong Filipino (p. 10, Bakit ko Sinusuportahan ang Build, Build, Build?)
β
β
Anna Mae Yu Lamentillo
β
Wala akong isinisisi sa mga magulang ko. Naging ako ako dahil sa mga desisyon ko sa buhay.
β
β
Bob Ong (Si)
β
Sapagkat ang tanging kaluwalhatian ng buhay ay nasa pag-ibig, at ang sagradong tungkulin ng puso ay magmahal, nang walang pangamba sa lahat ng kabutihang maaaring ipadama sa iba sa kabila ng mga pasakit at pagkakamali.
β
β
Bob Ong (Si)
β
Hindi naman natin laging mabibigyan ng katumbas na katutubo o likhang katawagan ang bawat modernong pangngalan na sumulpot sa ating buhay. Lalong malilito ang bayan at malaking gastos ang popularisasyon lamang ng ilang isina-Filipinong katawagan.
β
β
Virgilio S. Almario (Filipino ng mga Filipino: Mga Problema sa Ispeling, Retorika, at Pagpapayaman ng Wikang Pambansa)
β
[M]adali nating masasabi na ang wika ay hindi nangangailangan ng nasyonalismo nguni't ang huli ay kailangan ang una upang sumilang, sumigla, yumabong, at magkaroon ng diwa't buhay.
β
β
Pamela C. Constantino (Mga Piling Diskurso Sa Wika at Lipunan)
β
tanginang buhay 'toβ
kunβdi ako mawawala sa mundo
hindi pa kami makukumpleto.
(Sa Wakas, Nakumpleto rin Kami!)
β
β
Kelvin G Lansang (MGA Hubad Na Anino (Filipino Edition))
β
pahingi naman ako ng papel β papel sa buhay mo.
β
β
Miriam Defensor Santiago (Stupid Is Forever)
β
Kung papanaw ka nang nasa kumportableng posisyon at masasabi mo muna ang pinakamahalagang bagay sa pinakaimportanteng tao sa buhay mo, wala na nga sigurong dapat hilingin pa.
β
β
Bob Ong (56)
β
Pinipilit kong maging laging bukΓ‘s ang isip, pero bukΓ‘s para salinan, at hindi para lang palitan ang laman at muling isara. Sayang ang kapasidad kong kilalanin pang mas maigi ang buhay kung malilimitahan sa iisang pilosopiya.
β
β
Bob Ong (56)
β
Ang lunggati ay ginagamit kong katugma ng desire at sang-ayon sa depinisyon nito ngayon sa sikolohiya. Ang mithi ay itinapat ko sa ideal . . . samantalang ang adhika ay sa ambition at goal sa buhay. Ang layon/layunin ay ginagamit na ngayon katumbas ng aim o objective sa lesson plan ng mga titser. Malimit namang lumitaw sa balitang krimen ang hangad/hangarin katapat ng motibo (motive).
β
β
Virgilio S. Almario (Filipino ng mga Filipino: Mga Problema sa Ispeling, Retorika, at Pagpapayaman ng Wikang Pambansa)
β
[T]akot kayong itaya ang sarili nβyong buhay kaya buhay ng ibang tao ang itataya n'yo.
β
β
Ronaldo S. Vivo Jr. (Ang Bangin sa Ilalim ng Ating mga Paa)
β
Pwede kang magreklamo dahil ang rosas ay may tinik; ngunit pwede kang magdiwang dahil ang tinik ay may rosas . . . Pwede akong magreklamo dahil ang mahal mabuhay . . . ngunit pwede akong magdiwang dahil sa buhay ko'y meron akong mahal!
β
β
Manix Abrera (Venn Man at iba pang Kalupitan ng Kapalaran! (Kikomachine Komix, #6))
β
[M]adaling malinlang sa kapangyarihan ng nakaraan at hinaharap kapag maginhawa ang buhay sa kasalukuyan.
β
β
Macky Cruz (Hoy, Pong!)
β
hindi naman talaga mahirap ang buhay kahit may dumaang bagyo... hindi mo naman kasi kailangan magpakalunod dito eh... pwede ka sumilong o magsuot ng rain coat.
β
β
Paul Ian Guillermo
β
Malalaman mo lang ang halaga ng piso kapag nagkulang na ang pamasahe mo.... same as... malalaman mo lang ang halaga ng isang tao kapag nawala na sya sa buhay mo...
β
β
GirlNextDoor
β
Ang makabuluhang buhay ay may patutunguhan, kapaki-pakinabang, at may silbi sa kapwa tao.
β
β
Gerardo V. Cabochan
β
Pinagpala ang taong may makabuluhang buhay.
β
β
Gerardo V. Cabochan
β
Bilang panlaban sa chronic stress, ang isang makabuluhang buhay ay ang susi sa mapayapa at maligayang buhay, at malusog na pangangatawan.
β
β
Gerardo V. Cabochan
β
Ang stress mismo ay hindi daw masama. Ito ay isang mekanismo sa ating pagkatao para mas mabisa nating matugunan ang mga hamon sa buhay
β
β
Gerardo V. Cabochan
β
Kahit ano pang sabihin mo, nandito pa rin ako para sayo. Kahit na di ka naniniwala na gagawin ko lahat para sayo, ok lang.
Kahit na sabihin mong natatakot kang baka di ko kayang maghintay at baka nahihirapan na ako, ok lang. Pero alam mo madali lang namang maghintay e, ang higit na kinakatakot ko ay ang mawala ka sa buhay ko.
Β· Kamusta ka na? Balita ko wala na kayo? Balita ko malungkot at masamang-masama ang loob mo? Ang sakit diba? Pero buti nga sayo! E di naramdaman mo rin ang naramdaman ko nung ako ang iniwan mo.
Β· Balita ko mahal mo pa sha? Totoo ba? Ouch! Sensha ka na ha? Mahal kasi kita. Pero kapag ayaw na niya sayo, nandito lang ako. Kahit panakip-butas lang, ok na. Kahit masaktan pa ako, wag lang ikaw.
β
β
LuckyGirl12
β
Ayusin mo muna ang buhay mo. Pinagpala kang maganda. Isabay mo dβon ang pagiging masipag.
β
β
Carlo Vergara (Kung Paano Ako Naging Leading Lady)
β
Hindi lahat ng paghihirap ay walang katapusan, nasa sa iyo ito kung paano mo sila haharapin sa buhay mo.
β
β
akosiastroboy
β
Sa lahat ng pagsusumikap mo at paghihirap, tandaan mo hindi agad agad ito nakukuha o na-wiwithdraw. Darating ito biglaan sa buhay mo.
β
β
Christopher