Bob Ong Quotes

We've searched our database for all the quotes and captions related to Bob Ong. Here they are! All 100 of them:

β€œ
Hikayatin mo lahat ng kakilala mo na magkaroon ng kahit isa man lang paboritong libro sa buhay nila. Dahil wala nang mas kawawa pa sa mga taong literado pero hindi nagbabasa.
”
”
Bob Ong
β€œ
Makakapili ka ng lugar na uupuan mo, pero hindi mo mapipili ang taong uupo sa puwang sa tabi mo... Ganyan ang senaryo sa bus. Ganyan din sa pag-ibig... Lalong 'di mo kontrolado kung kelan siya bababa.
”
”
Bob Ong
β€œ
Kung matatakot kang harapin ang totoo at sabihin ang talagang nararamdaman mo dahil baka masaktan ka, isa lang ibig sabihin noon: ipinagkait mo na sa sarili mo ang pagiging masaya at kinarir mo ang magpakatanga.
”
”
Bob Ong
β€œ
Gamitin ang puso para alagaan ang taong malapit sayo. Gamitin ang utak para alagaan ang sarili mo.
”
”
Bob Ong
β€œ
karapatan kong madapa at bumangon sa buhay nang walang tatawa, magagalit, magtatanong, o magbibilang kung ilang beses na 'kong nagkamali at ilang ulit ako dapat bumawi
”
”
Bob Ong (ABNKKBSNPLAKo?! (Mga Kwentong Chalk ni Bob Ong))
β€œ
Alam mo ba ang pinagkaiba ng mga bulag at ng mga nakakakita? Hindi alam ng mga nakakakita kung kelan sila bulag.
”
”
Bob Ong
β€œ
Ang maganda sa pag-asa, hindi β€˜to nakukuha sa’yo nang hindi mo gusto.
”
”
Bob Ong (Stainless Longganisa)
β€œ
Nakalimutan na ng tao ang kabanalan n'ya, na mas marami pa s'yang alam kesa sa nakasulat sa Transcript of Records n'ya, mas marami pa s'yang kayang gawin kesa sa nakalista sa resume n'ya, at mas mataas ang halaga n'ya kesa sa presyong nakasulat sa payslip n'ya tuwing sweldo.
”
”
Bob Ong (ABNKKBSNPLAKo?! (Mga Kwentong Chalk ni Bob Ong))
β€œ
Alam mo ba kung gaano kalayo ang pagitan ng dalawang tao kapag nagtalikuran na sila? Kailangan mong libutin ang buong mundo para makaharap ulit ang taong tinalikuran mo.
”
”
Bob Ong
β€œ
Obligasyon kong maglayag, karapatan kong pumunta sa kung saan ko gusto, responsibilidad ko ang buhay ko.
”
”
Bob Ong (ABNKKBSNPLAKo?! (Mga Kwentong Chalk ni Bob Ong))
β€œ
Minsan pala kailangan rin ang lakas para sabihing mahina ka.
”
”
Bob Ong (ABNKKBSNPLAKo?! (Mga Kwentong Chalk ni Bob Ong))
β€œ
MARAMI ANG MAY AYAW SA PILIPINAS, PERO WALANG NAGTATANONG KUNG GUSTO SILA NG PILIPINAS
”
”
Bob Ong (Bakit Baliktad Magbasa Ng Libro Ang Mga Pilipino? (Mga Kwentong Barbero ni Bob Ong))
β€œ
Walang pakealam ang mga tao sa katotohanan, sa tsismis lang sila interesado.
”
”
Bob Ong (Lumayo Ka Nga Sa Akin)
β€œ
Imbis na magtanong ka ng β€˜Hindi pa ba sapat?’, bakit hindi mo na lang kalimutan ang lahat? Kung alam mong binabalewala ka na, tanggapin mong nagsasawa na s’ya.
”
”
Bob Ong
β€œ
...madaming teacher sa labas ng eskwelahan. desisyon mo kung kanino ka magpapaturo.
”
”
Bob Ong (ABNKKBSNPLAKo?! (Mga Kwentong Chalk ni Bob Ong))
β€œ
Nalaman kong habang lumalaki ka, maraming beses kang madadapa. Bumangon ka man ulit o hindi, magpapatuloy ang buhay, iikot ang mundo, at mauubos ang oras.
”
”
Bob Ong
β€œ
Hindi naman kailangan ang maraming tao para bumuo ng mundo. Minsan isang tao lang ang kasama mo, buo na ang mundong kailangan mo habambuhay.
”
”
Bob Ong (Kapitan Sino)
β€œ
Di naman iiyak ang mundo sa isang tao lang...
”
”
Bob Ong
β€œ
Naniniwala ako na kung wala kang nagagawa sa kinatatayuan mo ngayon wala ka ring magagawa sa kung saan mo man gusto magpunta.
”
”
Bob Ong (Stainless Longganisa)
β€œ
Nalaman kong hindi pala exam na may passing rate ang buhay. Hindi ito multiple choice, identification, true or false, enumeration, o fill-in-the-blanks na sinasagutan, kundi essay na isinusulat araw-araw. Huhusgahan ito hindi base sa kung tama o mali ang sagot, kundi base sa kung may kabuluhan ang mga naisulat o wala. Allowed ang erasures.
”
”
Bob Ong (ABNKKBSNPLAKo?! (Mga Kwentong Chalk ni Bob Ong))
β€œ
hindi dahil sa hindi mo naiintindihan ang isang bagay ay kasinungalingan na ito. at hindi lahat ng kaya mong intindihin ay katotohanan.
”
”
Bob Ong (Ang Paboritong Libro ni Hudas)
β€œ
ako, ang hinahangaan kong tao na mahilig sa libro e yung may matututunan ka pag kausap mo, yung makikita mong naging marunong at mabuti siyang tao dahil sa pagbabasa niya ng mga libro.
”
”
Bob Ong (Lumayo Ka Nga Sa Akin)
β€œ
Nalaman kong maswerte ako dahil pinaglaro at pinag-aral ako ng magulang ko nung bata pa 'ko. Hindi pala lahat ng bata e dumaraan sa kamusmusan.
”
”
Bob Ong (ABNKKBSNPLAKo?! (Mga Kwentong Chalk ni Bob Ong))
β€œ
Pero hindi lahat ng inaakala mong korni, e korni. Minsan ikaw lang din talaga ang walang sense of humor at may deperensya, siguro dahil sa pagpipilit mong maging iba.
”
”
Bob Ong (Lumayo Ka Nga Sa Akin)
β€œ
Dalawang dekada ka lang mag-aaral. Kung 'di mo pagtitiyagaan limang dekada ng kahirapan ang kapalit. Sobrang lugi.
”
”
Bob Ong
β€œ
Dalawang dekada ka lang mag-aaral. Kung di mo pagtitiyagaan, anak, limang dekada ng kahirapan ang kapalit. Sobrang lugi. Kung alam lang iyon ng mga kabataan, sa pananaw ko e walang gugustuhing umiwas sa eskwela.
”
”
Bob Ong (Macarthur)
β€œ
Yon ang mali sa tinatawag na 'cool factor.' Para maging 'in' ka, dapat magustuhan mo yung gusto ng iba. Pero pag sobrang dami na ng may gusto, dapat umayaw ka naman dahil magiging jologs ka na. Dapat kakaiba lagi ang gusto mo, para kunyari iba ka.
”
”
Bob Ong (Lumayo Ka Nga Sa Akin)
β€œ
Parang "Time's Up!" ang reunion,"pass your papers finished or not!" Oras na para husgahan kung naging sino ka...o kung naging magkano ka. Sino ang naging successful? Sino ang naging pinaka-successful?
”
”
Bob Ong (ABNKKBSNPLAKo?! (Mga Kwentong Chalk ni Bob Ong))
β€œ
Hindi ako naniniwalang kailangan ng tao mangarap dahil gusto n’ya ng pera, o gusto n’yang sumikat, o gusto n’ya ng impluwensya. Side effects na lang ang mga β€˜to, sa tingin ko. Nangangarap ang tao dahil binigyan s’ya ng Diyos ng kakayanang mangarap at tumupad nito. Tungkulin n’yang pagbutihin ang pagkatao n’ya at mag-ambag ng tulong sa mundo. At wala na s’yang iba pang magagawang mas malaking kasalanan sa sarili bukod sa talikuran ang tungkuling yon…
”
”
Bob Ong (Stainless Longganisa)
β€œ
Mga bata pa kayo. Pag pinaniwalaan namin kayong hindi kayo naglaro ng tubig kahit na basang-basa ang mga damit ninyo, kayo ang niloloko namin. Hindi kayo ang nakakapanloko.
”
”
Bob Ong (Macarthur)
β€œ
Pilipino ako, sapat nang dahilan `yon para mahalin ko ang Pilipinas.
”
”
Bob Ong (Bakit Baliktad Magbasa Ng Libro Ang Mga Pilipino? (Mga Kwentong Barbero ni Bob Ong))
β€œ
Ang liit at laki ay nasa isip lang. Bakit kami nina Bubuyog at Gagamba, may naipundar din kami kahit papano. Nasa pagsisikap lang 'yan ng tao!
”
”
Bob Ong (Alamat ng Gubat)
β€œ
Mas madaling manahimik. Mas ligtas magtago ng opinyon. Mas kumportableng hindi magsalita. Pero may mga tao noon na hindi nakuntento sa mga "mas" na yan.
”
”
Bob Ong
β€œ
Natapos din ang unos. Pero iba na 'ko ng makaraos. Iba na ang tingin ko sa mundo. 'Yung ibang pananaw ko, bumuti, 'yung iba...hindi ako sigurado.
”
”
Bob Ong (ABNKKBSNPLAKo?! (Mga Kwentong Chalk ni Bob Ong))
β€œ
May mga librong magkakasundo ang sinasabi, at meron din namang mga nagpapatayan ng opinyon. May libro para sa kahit anong edad, kasarian, lahi, relihiyon, edukasyon, at katayuan sa buhay. May mahal at mura, malaki at maliit, makapal at manipis, pangit at maganda, mabango at mabaho, may kwenta at wala. Lahat meron. Sari-sari. Iba-iba. Tulad din ng mga tao. Utak ng tao. Dahil ang bawat libro ay maliit na litrato ng utak ng tao.
”
”
Bob Ong (Stainless Longganisa)
β€œ
Lahat ng mga salitang yan may dating sa'yo. Sabi kasi ng isip mo.
”
”
Bob Ong (Stainless Longganisa)
β€œ
Nilagyan lang ng konting moral lesson ang pelikula para hindi maging ganap na basura.
”
”
Bob Ong (Lumayo Ka Nga Sa Akin)
β€œ
Mahihirapan kang maghanap ngayon ng soap opera na walang elemento ng love triangle.
”
”
Bob Ong (Lumayo Ka Nga Sa Akin)
β€œ
Kung ibibigay mo sa akin ang puso mo, paano ka?" "Hahatiin ko ito para sa ating dalawa. Ang kalahati ay para magmahal ka. Ang matitira ay para mahalin kita.
”
”
Bob Ong (Si)
β€œ
the problem is, lahat na lang kasi ng pelikula pinipilit gawing pampamilya. one size fits all. kaya tuloy ang material for movies nagiging too mature for kids and too cheesy for adults.
”
”
Bob Ong (Lumayo Ka Nga Sa Akin)
β€œ
Nasasaktan ako dahil sa kabila ng lahat, mahal ko ang Pilipinas.
”
”
Bob Ong (Bakit Baliktad Magbasa Ng Libro Ang Mga Pilipino? (Mga Kwentong Barbero ni Bob Ong))
β€œ
Pero kung lahat na lang sasabihan mo ng 'corny' kasi sosyal ka -- iba nga panlasa mo, mamamatay ka namang malungkot.
”
”
Bob Ong (Lumayo Ka Nga Sa Akin)
β€œ
kung alam ko lang na pwersado rin akong magtatrabaho nang ganito, nagsikap na lang sana ako sa eskwelahan nung bata ako. parehas lang naman palang nakakapagod. at least pag nakapag-aral ka, may pag-asa ka pang magkaroon ng magandang kinabukasan at makatulong sa iba.
”
”
Bob Ong (Lumayo Ka Nga Sa Akin)
β€œ
Hindi alam ng mga nakakakita kung kelan sila bulag.
”
”
Bob Ong
β€œ
At least pag nakapag-aral ka, may pag-asa ka pang magkaroon ng magandang kinabukasan at makatulong sa iba.
”
”
Bob Ong (Lumayo Ka Nga Sa Akin)
β€œ
Lumala ang late, dumami ang absences. β€˜Yan ang katangian ng 2 sem ko. Pero noong panahon na β€˜yon hindi ko pa rin alam kung ano na nangyayari sa pag-aaral ko. May isang bagsak na subject, pero ayos lang. Kumbaga sa action film e, nadaplisan lang ako ng bala sa braso. Walang problema.
”
”
Bob Ong (ABNKKBSNPLAKo?! (Mga Kwentong Chalk ni Bob Ong))
β€œ
Hindi ako hihingi ng dispensa sa mga nabulabog kong konsensya." "Kung nasira ko man ang araw mo, o kung hindi mo ito inkinatuwa, malinaw na hindi ako ang tipo ng manunulat na gusto mong basahin. Pero hindi ito nangangahulugan ng pagkakakumpiska ng ballpen at lisensya ko para magsulat." PERO "Kung may magsasabi mn sa hinaharap na: "sana nagpatawa ka na lang!" yun ay opinyong handa kong tanggapin.
”
”
Bob Ong (Stainless Longganisa)
β€œ
...kapag binisita ka ng idea, gana o inspirasyon, kailangan mong itigil LAHAT ng ginagawa mo para lang di masayang ang pagkakataon. Walang β€œsandali lang” o β€œteka muna”. Dahil pag lumagpas ang maikling panahong yon, kahit mag-umpog ka ng ulo sa pader mahihirapan ka nang maghabol.
”
”
Bob Ong (Stainless Longganisa)
β€œ
Tatawa lang sila. Tatawa lang sila at sisisihin ang sistema. Ang laging bida at walang kamatayang sistema.
”
”
Bob Ong (Lumayo Ka Nga Sa Akin)
β€œ
Tatlo ang magulang ng henerasyon natin. Ang tatay, ang nanay, at ang mga patalastas o media. Kaya kung mahina yung dalawang nauna, naagawan sila ng ikatlo sa pagpapalaki sa bata.
”
”
Bob Ong (Lumayo Ka Nga Sa Akin)
β€œ
Tungkulin mong tumulong sa kapwa dahil may kakayahan ka at gusto mong tumulong pero wag mong kalimutan na hindi mo mababago ang mundo at hindi mo matutulungan ang lahat ng tao. Hindi ikaw ang unang nagtangka hindi ikaw ang magiging huli hindi ka solusyon. Pero hindi yun ang dahilan para mawalan ka ng pag-asa at tumigil na magbigay nito. Mang Ernesto: Kapitan Sino by Bob Ong
”
”
Bob Ong
β€œ
Isa pa, pwede nga ring yung TV talaga ang may sumpa. Dahil ang TV, para ring drugs, pero ligal. Isipin mo, bakit isa ito sa mga unang-unang pinupundar ng mga Pilipino kahit gaano sila kahirap? Kasi malaking tulong ang telebisyon para lumimot. Para tumakas sa realidad.
”
”
Bob Ong (Lumayo Ka Nga Sa Akin)
β€œ
MHARILYN: Naku, sobrang thank you po, talaga! URSULA: Bakit sobra? Hindi ba pwedeng eksakto ang--eksaktong thank you? Sayang naman yung sobrang hindi na magagamit!
”
”
Bob Ong (Lumayo Ka Nga Sa Akin)
β€œ
Dahil sa pagsusulat, masasagi mo ang mga matatayog na egotismo ng ibang tao. Matatapakan mo ang mga lumpong paa ng kasalukuyang sistema. At maiistorbo mo ang siesta ng lipunang masaya na sa mga paniniwalang kinagisnan nito. Sa pagpahid ng utak mo sa papel, lahat yan babanggain mo. Kasabay ng pagbangga mo sa sariling mga takot, kamangmangan at egotismo.
”
”
Bob Ong (Stainless Longganisa)
β€œ
Hikayatin mo lahat ng mga kakilala mo na magkaroon ng kahit isa man lang paboritong libro sa buong buhay nila. Dahil wala nang mas nakakaawa pa sa mga taong literado pero hindi nagbabasa...bilang tao, may karne sa loob ng bungo mo na nangangailangan ng sustansya.
”
”
Bob Ong (Stainless Longganisa)
β€œ
Kung hindi malaya ang bagay na may buhay, dapat man lang sana ay malawak ang kinalalagyan nito," sabi ko. "Pero kulungan parin ang kulungan, gaano man ito kalaki," sagot n'ya.
”
”
Bob Ong (Si)
β€œ
Pero sa Pilipino, magloloko ang teenager, bubuo ng pamilya...pero hindi aalis sa poder ng magulang hanggang magkaapo. Kuhang kuha natin ang mga katarantaduhan ng Hollywood, pero hindi ang kaunting pagiging responsable ng mga kanluraning bansa sa isyu ng pagtayo sa sariling paa.
”
”
Bob Ong (Lumayo Ka Nga Sa Akin)
β€œ
Nalapa na ng komersyalismo ang sining. Kaya utot na lang nito ang nilalanghap natin ngayon.
”
”
Bob Ong (Lumayo Ka Nga Sa Akin)
β€œ
Magsama kayo ng palitaw mo sa impyerno!
”
”
Bob Ong (Lumayo Ka Nga Sa Akin)
β€œ
Walang pakialam ang tao sa katotohanan, sa tsismis lang sila interesado.
”
”
Bob Ong (Lumayo Ka Nga Sa Akin)
β€œ
Nakayanan n'yang bumangon, hindi ko pagdududahan ang kakayahan n'yang lumipad.
”
”
Bob Ong (Si)
β€œ
May problema and bansa, nangangailangan ito ng tulong mo.
”
”
Bob Ong (Bakit Baliktad Magbasa Ng Libro Ang Mga Pilipino? (Mga Kwentong Barbero ni Bob Ong))
β€œ
Ang comedy natin, puro slapstick. Ang horror natin, puro visual. I'm sensing a pattern here
”
”
Bob Ong (Lumayo Ka Nga Sa Akin)
β€œ
Nais kong magtaguyod ng pamilyang alam ang pagkakaiba ng sapat at sobra, at kung alin ang para sa amin at alin ang nararapat nang ibahagi sa iba.
”
”
Bob Ong (Si)
β€œ
Masama na ba talaga ngayon ang gumawa ng mabuti at kailangan mo na itong ipaliwanag?
”
”
Bob Ong (Stainless Longganisa)
β€œ
ang trahedya ng buhay ko? hindi ako nagkaroon ng kapangyarihang makapagsabi ng tamang bagay sa tamang tao sa tamang panahon
”
”
Bob Ong
β€œ
kuhang-kuha natin ang mga katarantaduhan ng hollyeood, pero hindi ang kaunting pagiging responsable ng mga kanluraning bansa sa isyu ng pagtayo sa sariling paa.
”
”
Bob Ong (Lumayo Ka Nga Sa Akin)
β€œ
Gusto ng producer, feel good movie. Ubos na ang dalawang oras. Anuman ang nangyari, automatic happy ending tayo.
”
”
Bob Ong (Lumayo Ka Nga Sa Akin)
β€œ
Minsan pala kailangan rin ng lakas para sabihing mahina ka...
”
”
Bob Ong
β€œ
Kontrabida ako. Lahat ng gusto ng ibang tao, akin.
”
”
Bob Ong (Lumayo Ka Nga Sa Akin)
β€œ
Hindi ba mas tama na sa halip na maliitin ang kabataan dahil sa binabasa nilang manunulat ay purihin sila sa pagbabasa, at saka samantalahin ang pagkakataon para hikayatin sila at ipakilala sa iba pang makabuluhang libro? O masyadong malaking abala 'yon sa inyo?
”
”
Bob Ong
β€œ
Sa bandang huli, mas makapangyarihan pa rin ang masang nag-iisip kesa sa awtoridad na nagsasalita.
”
”
Bob Ong (Bakit Baliktad Magbasa Ng Libro Ang Mga Pilipino? (Mga Kwentong Barbero ni Bob Ong))
β€œ
Ang pangongolekta ng libro na di binabasa ay nangangahulugan na ang kinokolekta mo ay hindi libro kundi papel at tinta.
”
”
Bob Ong
β€œ
Mangarap ka at abutin mo ito. Wag mo sisihin ang sira mong pamilya, palpak mong syota, pilay mong tuta, o mga lumilipad na ipis...Kung may pagkukulang sayo ang mga magulang mo, pwede kang manisi at magrebelde... tumigil sa pag-aaral, mag drugs ka, magpakulay ng buhok sa kilikili... Sa bandang huli, ikaw din ang biktima... Rebeldeng walang napatunayan at bait sa sarili.
”
”
Bob Ong (Bakit Baliktad Magbasa Ng Libro Ang Mga Pilipino? (Mga Kwentong Barbero ni Bob Ong))
β€œ
Ang karamihan nang tao ay walang pakialam, ang karamihan ng politiko ay walang utak, at yung ibang may utak... walang puso.
”
”
Bob Ong (Bakit Baliktad Magbasa Ng Libro Ang Mga Pilipino? (Mga Kwentong Barbero ni Bob Ong))
β€œ
I'm a bad person, like you, in the same way that you are a good person, like me.
”
”
Bob Ong (Stainless Longganisa)
β€œ
Walang tigil ang mga tao sa paggamit ng enerhiya. Lahat ng maaaring pagkagastusan ng kuryente, gagawin nila. Nabubuhay sila sa sistema ng pag-aani ng kayamanan ng mundo upang gawing lason at basura.
”
”
Bob Ong (Ang mga Kaibigan ni Mama Susan)
β€œ
Hindi ka maaaring hindi magmahal kahit pa mapasa iyo lahat. Maaari kang maging pinakamayamang tao sa mundo, pinakamatalino, pinakamakapangyarihan, at walang pangarap na hindi kayang kunin o abutin pero kung hindi ka marunong magmahal, sino ka?
”
”
Bob Ong (Si)
β€œ
Higit sa pakikinig kung ano ang sinasabi, unawain mo kung ano ang ipinapahayag.
”
”
Bob Ong (Bakit Baliktad Magbasa Ng Libro Ang Mga Pilipino? (Mga Kwentong Barbero ni Bob Ong))
β€œ
Kung hindi mo alam kung sino ka, paano mo maipagmamalaki ang sarili mo?
”
”
Bob Ong (Bakit Baliktad Magbasa Ng Libro Ang Mga Pilipino? (Mga Kwentong Barbero ni Bob Ong))
β€œ
Nalaman kong ang mundo, sa totoong buhay, ay hindi 'yung makulay na murals na nakikita sa mgaa pre-school. Hindi ito laging may rainbow, araw, ibon, puno, at mga bulaklak.
”
”
Bob Ong (ABNKKBSNPLAKo?! (Mga Kwentong Chalk ni Bob Ong))
β€œ
Hindi dahil sa hindi mo kayang intindihin ang isang bagay ay kasinungalingan na ito at hindi lahat ng kaya mong intindihin ay katotohanan
”
”
Bob Ong (Ang Paboritong Libro ni Hudas)
β€œ
Walang pakialam ang mga tao sa katotohanan, sa tsismis lang sila interesado.
”
”
Bob Ong (Lumayo Ka Nga Sa Akin)
β€œ
Mag-inuman tayo tulad sa patalastas sa TV: konting kahig, kontig lagok.
”
”
Bob Ong (Lumayo Ka Nga Sa Akin)
β€œ
Pinapakita nyong mga dayuhang libro pa rin at mga dayuhang libro lang ang tinatangkilik ng mga tao. Bakit magsusugal ang mga publisher sa Pilipinong manunulat kung hindi naman pala mabili ang mga kwentong isinusulat ng mga Pilipino? At kung walang mga publisher na tatanggap ng mga trabaho ng mga Pilipinong manunulat, sino pa ang gugustong magsulat? Kung walang magsusulat, ano ang kahihinatnan ng panitikan sa bansa at sa kakayanan nating bumasa't sumulat?
”
”
Bob Ong (Lumayo Ka Nga Sa Akin)
β€œ
Sino nga ba ang learning disabled, β€˜yung mga hirap mag-aral o β€˜yun mga walang natutunan? Ano ang pinagkaiba ng out-of-school youth na shoplifter at Harvard-graduate na corrupt government official bukod sa mas mayaman β€˜yung pangalawa?
”
”
Bob Ong (ABNKKBSNPLAKo?! (Mga Kwentong Chalk ni Bob Ong))
β€œ
Nakalimutan na ng tao ang kabanalan niya, na mas marami pa syang alam kesa sa nakasulat sa Transript of Records nya, na mas marami pa syang kayang gawin kesa sa nakalista sa resume nya at mas mataas ang halaga nya kesa sa presyong nakasulat sa payslip nya tuwing suweldo.
”
”
Bob Ong
β€œ
And we don't ask: Anong produkto kaya ang naibenta sa akin ngayong araw nang hindi ko namalayan? Anong kaisipan? Anong ideya? Anong paniniwala? Anong ugali? Anong bagong pananaw sa mundo at sa mga kapwa ko? Hindi natin ito naitatanong pero andali-dali nating maimpluwensyahan.
”
”
Bob Ong (Lumayo Ka Nga Sa Akin)
β€œ
Magmaskara ka man o hindi, huhusgahan ka ng mga tao.
”
”
Bob Ong (Kapitan Sino)
β€œ
Not all the things you understand are the truth, and not all the things you don't understand are lies.
”
”
Bob Ong (Ang Paboritong Libro ni Hudas)
β€œ
Hindi para sa tamad ang pagsusulat dahil pag binisita ka ng idea, gana o inspirasyon, kailangan mong itigil LAHAT ng ginagawa mo para lang di masayang ang pagkakataon. Walang β€œsandali lang” o β€œteka muna”. Dahil pag lumagpas ang maikling panahong yon, kahit mag-umpog ka ng ulo sa pader mahihirapan ka nang maghabol.
”
”
Bob Ong
β€œ
Matagal nang sinabi sa akin ni Lola na ang kagandahan ay sumpa, dahil tulad ng isang bulaklak ay nanaisin kang pitasin ng mga tao. gugustuhin ka nila at aariin, nang walang kasiguruhan kung tunay ka nilang iibigin. Aalagaan ka at pagsisilbihan, ngunit para lamang sa sarili nilang kaligayahan. Mahihirapan kang hanapin ang totoong nagmamahal sa 'yo sapagkat lagi silang matatakpan ng mga taong nag-aagawan para sa iyong puso. Ibibigay nila ang lahat ng hilingin mo at ipagkakaloob nila anuman ang iyong gusto. Dahil alam nilang sa ganitong paraan nila maipapalimot ang totoong kailangan mo. Ipakikita nila ang hindi nila maipadarama. Ipagmamalaki nila ang hindi naman nasusukat. Ipapangako nila sa'yo ang wala sa kanila.
”
”
Bob Ong (Si)
β€œ
Wala akong isinisisi sa magulang ko. Naging ako ako dahil sa mga desisyon ko sa buhay.
”
”
Bob Ong (Si)
β€œ
Walang imposible sa taong naniniwala.
”
”
Bob Ong (Ang Paboritong Libro ni Hudas)
β€œ
Paano kaya kung naging guro mo rin ang naging guro ng labindalawang disipulo sa Bible?
”
”
Bob Ong (ABNKKBSNPLAKo?! (Mga Kwentong Chalk ni Bob Ong))
β€œ
Naghahanap ang mga tao ng iba na magliligtas sa kanila. Dahil hindi sila yung β€˜iba’ na yon, wala silang ginagawa. Walang nagbabago. Walang may gustong magbago. Naghihintay lang ang lahat sa β€˜iba’, yung hindi nila katulad.
”
”
Bob Ong (Kapitan Sino)
β€œ
...pwede nga ring yung TV ang may sumpa. dahil ang TV, para ring drugs, pero ligal. isipin mo, bakit isa ito sa mga unang-unang ipinupundar ng mga Pilipino kahit gaano sila kahirap? kasi malaking tulong ang telebisyon para lumimot. para tumakas sa realidad. kahit mag-isa ka lang sa bahay, nababawasan ang lungkot kung may TV. nakakatanggal-buryong kung wala kang trabaho. mas entertaining kesa sa diyaryo, at mas accessible kesa sa sine. pwede rin itong tagapag-alaga ng mga anak mo. pwedeng ulam kung sakto lang ang budget pambili ng ng bigas. at pwedeng bintana kung parang bartolina lang ang tirahang tinutulugan ng mag-anak mo, dahil may magaganda itong lugar at magagandang tao. kumpleto sa sayawan, kantahan, tawanan, pantasya, at boksing. burado ang mga suliranin mo. pag sinuswerte ka, pwede ka pang manalo.
”
”
Bob Ong (Lumayo Ka Nga Sa Akin)
β€œ
Maraming bagay ang mahal kapag wala kang pera.
”
”
Bob Ong (Ang Paboritong Libro ni Hudas)
β€œ
Obligasyon ko bang pasanin ang mga problema ng math? Bakit? Bababa ba ng bill ko sa internet pag nag-factor ako ng quadratic trinomial? Malulutas ba ng Laws of Exponents ang problema natin sa basura? Mababawasan ba ng Associative Law for Multiplication ang mga krimen sa bansa? Makakabuti ba sa mag-asawa kung malalaman nila ang sum and difference of two cubes? Maganda ba sa sirkulasyon ng dugo ang parallelogram, polynomial at cotangent? Makatwiran bang pakisamahan ang mga irrational numbers? Anak ng scientific calculator!
”
”
Bob Ong (ABNKKBSNPLAKo?! (Mga Kwentong Chalk ni Bob Ong))
β€œ
pwede nga ring yung TV ang may sumpa. dahil ang TV, para ring drugs, pero ligal. isipin mo, bakit isa ito sa mga unang-unang ipinupundar ng mga Pilipino kahit gaano sila kahirap? kasi malaking tulong ang telebisyon para lumimot. para tumakas sa realidad. kahit mag-isa ka lang sa bahay, nababawasan ang lungkot kung may TV. nakakatanggal-buryong kung wala kang trabaho. mas entertaining kesa sa diyaryo, at mas accessible kesa sa sine. pwede rin itong tagapag-alaga ng mga anak mo. pwedeng ulam kung sakto lang ang budget pambili ng ng bigas. at pwedeng bintana kung parang bartolina lang ang tirahang tinutulugan ng mag-anak mo, dahil may magaganda itong lugar at magagandang tao. kumpleto sa sayawan, kantahan, tawanan, pantasya, at boksing. burado ang mga suliranin mo. pag sinuswerte ka, pwede ka pang manalo.
”
”
Bob Ong