Ay Kaibigan Quotes

We've searched our database for all the quotes and captions related to Ay Kaibigan. Here they are! All 3 of them:

Marami akong natutunan, na lahat ng bagay kapag ipinaglalaban ay matutupad. Sabi nga ng isa sa aking kaibigan, kahit na 'yung nagmamahal nang hindi binabalikan eh may makukuha rin. Dahil kahit papaano ay nami-miss ka rin nila at nasa kanilang isipan. Dahil kung hindi ka nila nami-miss, eh 'di sana ay kasama mo siya ngayon.
Karl Marx S.T. (May Amnesia Si Girl)
Noong 2016, nag-uumpisa pa lang ang Build, Build, Build. Marami ang may duda na kaya itong isakatuparan. Tinitigan ako ng isang kaibigan sa mata at sinabing, “Isa na naman itong pangako sa kampanya na sadyang hindi tutuparin.” Inihalintulad kami sa masugid na manliligaw na handang ipangako ang lahat. Hindi ko sila masisi. Noong panahong iyon, ₱3.5 bilyon ang nawawala sa atin kada araw dahil sa trapik sa Metro Manila. Nalampasan na ng EDSA ang maximum capacity nito. Ang mga proyekto ng gobyerno ay naantala ng maraming taon o dekada. Bagama’t pamilyar tayo sa katotohanang ito, hindi kami handang tanggapin na lamang ito. Malayo pa ang Pilipinas sa buong potensiyal nito. Ito na ang pagkakataon upang matupad ang isang pangarap na hubugin ang kasaysayan at ihatid tayo sa “Golden Age of Infrastructure.” - Night Owl: Edisyong Filipino (p. 112, Ang Solusyon sa 3.5 Bilyong Pisong Pasanin)
Anna Mae Yu Lamentillo
Sanay akong nagbibigay sa iba--- ng aking oras, talento, payo, o tulong. Masaya akong gawin lahat ito. Ngunit masaya rin palang tumanggap --- at di lang basta tumanggap kundi maging 'mapagbigay na tagatanggap' o generous receiver. 'Yong ninanamnam mo ang kagandahang loob ng ibang tao, ang pagtulong nila sa iyo, at pag-aalaga. At ipinaalam mo sa kanila ang iyong kagalakan at pagpapasalamat. Hindi kailangang matatag sa lahat ng oras --- mainam ding maging mahina at umasa sa iba --- doon mo mas maahahalagahan ang pagiging ina, asawa, kaibigan, guro, at pati pagiging Filipino. At sa panahon ng iyong kahinaan, doon mo tunay na malalaman ang mga bagay na totoong mahalaga sa buhay (pamilya, pagmamahal, pakikipagkapuwa, kalusugan ng katawan at isip, pananalig sa Diyos, pag-ibig sa bayan, pagpapahalaga sa Inang Kalikasan) at ang mga taong tunay na nagmamahal at nagpapahalaga sa iyo. Ang pagiging ina sa panahaon ng pandemya ay pagiging malakas sa aking kahinaan, pagiging mapagbigay sa aking pagtanggap.
Jenny Ortuoste (In Certain Seasons: Mothers Write in the Time of COVID)