Ang Init Quotes

We've searched our database for all the quotes and captions related to Ang Init. Here they are! All 6 of them:

Iyan ang hirap sa usapang ito. Ano ba naman ang kamuwangan ng mga pipituhing taon sa mga beauty contests? Laro lang ang tingin nila sa lahat ng bagay at komo laro, gagawin lang nila pag gusto nila. Pag nasa mood sila. Karaniwan na ina lan ang may gustong mapalaban ang anak nila, masabing kabilang ito sa magaganda maging ang pinakamaganda kung maaari. Baya'n mo Baya'n mong mabilad siya sa init, mapagod siya, lagnatin siya, sipunin siya. Gusto ng nanay ang tropeo, gusto ng nanay ang karangalan.
Lualhati Bautista (Bata, Bata... Pa'no Ka Ginawa?)
Tumatakbo siya, takbo nang takbo. Sa paa at ligalig ng isang pitong taong gulang na bata. Hinahabol ang kamusmusan sa mga bakanteng lote, eskinita, court, at lansangan. Dinadama ang hapdi ng init ng panahon sa tustadong balat. Nilalanghap ang alikabok. Nakikipagparamihan ng paltos at libag sa mga kalaro. Binabaka ang hikbi kung natutukso. Tinatawanan ang sarili kung nadadapa. Lulubugan ng araw nang nagwawala. At magigising siya, sa ulirat ng isang siyam na taong gulang na bata, gulong- gulo. Balot ng takot at pangamba ang loob ng bungo at sikmura sapagkat ang tabing na kurtina na ang nagsisilbing hudyat ng kaniyang dapit-hapon at hindi na ang mga ulap sa himpapawid.
Ronaldo S. Vivo Jr. (Ang Kapangyarihang Higit sa Ating Lahat)
Nakita ko. kahit liwanag ay nadarapa, Nakita ko. may mga ilaw at apoy din na lumuluha! Kaya, saan ako kakapit, Kung, kahit ang liwanag ay nakakasunog ang init?! ***from her poem 'GASERA
Sycamore Wild
Inihehele siya ng tamang timpla ng mga ugoy, at nagsasalimbayang init at ihip ng hangin, inihahatid sa rurok ng kakaniyahan nang mga guniguni at alaala, deliryo'y dala sa pagbulusok na titighawin ng mga pawis, sisingilin ang ilang bahagi ng karanasan, habang pilit niya itong inaalala. Muling iisantabi't hahabi ang diwa, kung saan hindi siya maaring lumipad.
elmansays
(Ngunit ano man ang nagtulak sa iyong pagpasok sa aking silid, pinilit ka man o nayaya o nais lamang sumubok, ihanda na rin ang sarili: babalik tayo sa panahong kababalaghan pa ang apoy, sisilip sa mundong simbilis ng liwanag ang paglalakbay, at dadamhin ang init ng lupang tinutuntungan natin ngayon. Buksan na rin ang dibdib sa himig ng sariling dila, ng sariling panaghoy, ng sariling adhika, ng sariling panaginip. Buksan na rin ang ilong sa alingasaw ng sariling dumi, ng sariling hininga, ng sariling pagkaagnas. Ngunit higit sa lahat: ihanda ang kaluluwa sa pagtubo at pagtibay ng sariling ugat at pakpak Mula sa UGAT AT PAKPAK)
Emmanuel V. Dumlao (Hindi Lamang Salita: Mga Tula)
Ngunit ano man ang nagtulak sa iyong pagpasok sa aking silid, pinilit ka man o nayaya o nais lamang sumubok, ihanda na rin ang sarili: babalik tayo sa panahong kababalaghan pa ang apoy, sisilip sa mundong simbilis ng liwanag ang paglalakbay, at dadamhin ang init ng lupang tinutuntungan natin ngayon. Buksan na rin ang dibdib sa himig ng sariling dila, ng sariling panaghoy, ng sariling adhika, ng sariling panaginip. Buksan na rin ang ilong sa alingasaw ng sariling dumi, ng sariling hininga, ng sariling pagkaagnas. Ngunit higit sa lahat: ihanda ang kaluluwa sa pagtubo at pagtibay ng sariling ugat at pakpak (Mula sa UGAT AT PAKPAK)
Emmanuel V. Dumlao (Hindi Lamang Salita: Mga Tula)