Amado V Hernandez Quotes

We've searched our database for all the quotes and captions related to Amado V Hernandez. Here they are! All 8 of them:

β€œ
Naryan ang kaibhan ng armas sa isang ideya. Ang sandata'y nakagigiba't pumapatay lamang; ang ideya'y nakagigiba't nakabubuo, pumapatay at bumubuhay.
”
”
Amado V. Hernandez (Mga Ibong Mandaragit (Birds of Prey))
β€œ
Ang bawa't bayani ay may kaukulang panahon, kung panong ang kapanahunan at mgapangyayaring umiiral ay lumilikha ng mga bayaning kailangan niya.
”
”
Amado V. Hernandez (Mga Ibong Mandaragit (Birds of Prey))
β€œ
Hindi masama ang dumayo sa banyagang lupalop upang paunlarin ang sarili. Pero kung ikaw e maunlad na'y dapat bumalik sa pinagmulan at du'n gamitin ang kaunlaran. Walang lupang dayuhan na maaari mong ipalit sa 'yong sinilangan.
”
”
Amado V. Hernandez (Mga Ibong Mandaragit (Birds of Prey))
β€œ
Ang kagandahan ng demokrasya'y di lamang ang karapatan ng nakakarami upang mamahala, kundi angkapantay na karapatan ng kaunti upang sumalungat
”
”
Amado V. Hernandez (Mga Ibong Mandaragit (Birds of Prey))
β€œ
Ang katuturan ng karanasan at istoriya'y di ang pagtanda sa mga pangyayari, kundi ang pagtatamo ng aral sa kanila.
”
”
Amado V. Hernandez (Mga Ibong Mandaragit (Birds of Prey))
β€œ
Hindi kokonti ang kababayan nating sa akala nila'y pwede at mabuti ang maging estaranghero sila. Ginagawa nila ito sa wika, sa damit, sa kilos. Pati sa kanilang bahay e di na kinakausap ang mga anak kung di sa Ingles, ikinahihiyang magsuot ng barong katutubo, ayaw manood ng dula ar pelikula sa sariling wika, ayaw kumain ng kanin, at sumasama ang sikmura pagka humithit ng sigarilyong di imported. Subalit nagiging katatawanan lamang sila sa tingin ng kanilang mga hinuhuwad.
”
”
Amado V. Hernandez (Mga Ibong Mandaragit (Birds of Prey))
β€œ
Ang kahapo'y saliga ng ngayon, at ang ngayo'y haligi ng kinabukasan. Gusto kong sabihi'y ang diwa ng ating mga bayaning nangabulid sa karimla'y siya ring dapat tumanglaw sa mga nagmamahal sa bayan sa panahong ito. Pagka't ang magiging bunga ng inyong mga gawai'y siyang magbibigay ng lakas sa hahaliling salin.
”
”
Amado V. Hernandez (Mga Ibong Mandaragit (Birds of Prey))
β€œ
Napakaraming magaling na bagay ang dapat uliranin ng Pilipinas sa Amerika. Sa kasamaang palad, tulad ng ipinangamba ni Rizal, and unang pinulot ay ang masasamang halimbawa, ang mga bisyo at kahinaan. Tinangka ng karamihang Pilipino na magbuhay-Amerikano sa wika, sa damit, sa kilos at ugali, gayong ito’y hindi maaari kalian pa man. Pilit na ipinatatakwil sa kabataan ang huwad ng gaslaw at ikot ng sa banyaga, walang nais panoorin kundi mga laro, pelikula at ibang libangang dayuhan, walang nais basahin kundi mga babasahing sinulat ng dayo at limbag sa labas ng Pilipinas. Saan patutungo ang kabataang may ganitong kamulatan?
”
”
Amado V. Hernandez (Mga Ibong Mandaragit (Birds of Prey))